Connect with us

Viral

Nabasag ng anak ang vase na 13 taong gulang na naglalaman pala ang maraming pera ng kaniyang ama!

Published

on

Sabi ng mga matatanda, mas mainam nang mag-impok upang mayroon tayong madudukot sa panahon na kailanganin natin. “Kung may isinuksok, may madudukot!”

Maging sa mga panahon ngayon, mahirap ang buhay at talagang napakataas ng mga bilihin ngunit patuloy pa rin tayong sumusubok na mag-impok para panahon ng tag-ulan. Wala namang masama sa pag-iipon o paga-iimpok ngunit paano kaya kung malaman mong isa pala sa miyembro ng iyong pamilya ay nagtatago ng isang malaking sikreto?

Tunay nga na walang lihim na hindi nabubunyag dahil nang minsang mangyari ang insidenteng ito kung saan hindi sinasadya ng isang anak mula sa Guangxi, China na mabasag ang vase ng kaniyang ama ay nakita niya ang napakaraming pera na nasa loob nito.

“I was sitting in my bed suddenly, I heard a loud sound coming from the living room. I quickly jumped out of bed and went outside. Then I saw the broken vase with a lot of money in it.” Ito ang naging pahayag ng ina ng batang nakabasag ng naturang vase sa China Press.

Tila ba marami nang panahon ang lumipas at noon lamang nila nalaman na mayroon palang nakatago na maraming pera doon. Ang laman diumano ng 13 taong gulang na plorera ay 5,000 Yuan o halos higit sa Php35,000.

Hindi naman ito pinalampas ng misis at agad na sinabi sa kaniyang asawa ang nangyari. Hindi maipinta ang mukha ng ama dahil nabuking ang matagal na niyang tinatago.

Taong 2006 pa pala nang magsimula siyang mag-ipon sa naturang plorera. Ito ang panahon na nakalipat na sila sa bahay nilang iyon. At sa loob ng 13 taon ay nagawa niyang maglagay at magtago ng pera doon kapalit ng hindi niya pagkain ng “Bihun”.

Natatawa naman ang kaniyang misis dahil para sa kaniya ay maliit pa ang halagang iyon sa haba ng panahon na kaniyang ginugol makapagtabi lamang ng pera sa naturang vase.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media