Connect with us

Viral

Isang mag-asawa ang nakatagpo ng isang kakaibang bola na palutang-lutang sa tubig kung kaya naman agad nila itong inahon, nagulat sila sa kanilang nagkita!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino lalo na sa mga taong naninirahan malapit sa karagatan ang makakita ng iba’t-ibang mga bagay na lumulutang dito. Maging ang mag-asawa na ito na sina Annie at Ian Gilbert ay mayroon ding natagpuan na isang lumulutang na bagay habang sila ay nangingisda sa katubigan ng Poole, Dorset.

Sa bandang timog kasi ng “The Needles” sa isla ng Wight ay nakatagpo sila ng isang kakaibang bola. Noong una ay inakala nilang ordinaryong bola lang din nito tulad ng iba pang mga bola na madalas nating makita.

Ngunit nang maiahon na nila ito ay nagulat silang makita na marami pala itong talaba sa bandang ibabang bahagi nito. Hinuha nilang matagal nang nagpapalutang-lutang sa tubig ang bola kung kaya naman marami nang mga talaba ang kumapit dito.


Gusto sana nang mag-asawa na kuhanin na ang bolang ito kasama ng maraming mga talaba ngunit napagdesisyunan nilang ibalik na lamang ito sa tubig upang mas marami pang mga talaba ang kumapit dito. Talaga namang nakakamanghang malaman na mayroon pa rin palang mga kakaibang bagay tulad nito.

Hindi naman araw-araw ay nakakakita tayo ng kakaibang bagay sa ating katubigan. Ngunit nakakabahala lamang dahil sa hindi dapat bola, plastic o iba pang mga basura ang dapat nating makita sa ating karagatan kundi ang napakagandang yaman nito.

Hindi na biro ngayon ang problema natin sa mga basura. Talaga namang buong mundo ay nakakaranas na rin ng mga hindi magagandang epekto nito.

Nakakalungkot isipin na sa mga susunod pang panahon ay hindi na masisilayan at tuluyan nang hindi mararanasan ng mga kabataan ang angking kagandahan ng ating kapaligiran dahil lamang sa mga basurang ito. Sa kabila ng mahigpit na suliranin nating ito ay marami pa rin ang umaasang malalampasan din natin ito kung tayo ay magtutulong-tulong upang maisalba pa ang ating mundo.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media