Connect with us

Viral

Walis tambo na Php1,992.50 ang halaga sa isang online shop, inulan ng mga nakakatuwang komento mula sa publiko!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay sanay sa gawaing bahay. Bata pa lamang tayo ay talagang tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na kumilos at maging responsable sa bahay.

Maging sa ating mga paaralan ay talagang kinakailagan nating panatilihin ang kalinisan. Sabi nga sa isang matandang kasabihan sa Ingles: “Cleanliness is next to Godliness”.

Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagpapahalaga natin pagdating sa kalinisan. Madalas nga na nagiging dahilan pa ito upang mahusgahan ang kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.

Kapag daw kasi marumi sa bahay o sa kwarto ay tamad at walang disiplina. Maging ang mga magulang natin ay hindi makaliligtas sa mapanuring mata ng marami dahil sa madalas pang napupulaan ang naging pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan online ang mamahaling walis tambo na ito sa isang online shopping platform. Kapansin-pansin kasi ang sosyal na pangalan nito gayundin naman ang may pagkamamahaling presyon ng walis.

Kung ang tipikal na walis sa atin ay nagkakahalaga lamang ng Php100 hanggang Php200 sa mga pamilihan, ang presyo nito ay tumataginting na Php1,992.50! Mapapansin din sa paglalarawan sa walis na ito na nasa 41-42 inches ang laki nito at ang tinawag itong “Asian straw broom Thai natural grass broom bamboo stick handle.

Kinagiliwan ito ng maraming mga netizens at sinabing marahil ay hindi sila bibili ng ganito kamahal na walis tambo. Ang mga walis kasi sa pamilihan na madalas nating nabibili ng mura ay talagang tumatagal ng maraming taon.

Madalas nga kahit gusto na nating itapon ang mga ito ay hindi pa natin magawa dahil kahit sa kakaunti na lamang ang natitira dito ay talagang nagagamit pa nating pangwalis sa loob at labas ng ating tahanan. Talaga namang malaking tulong ang walis na ito upang mapanatili nating malinis ang ating paligid ngunit marami sa atin ang mas magiging praktikal lalo na sa panahon ngayon kaysa bumili ng isang mamahalin at sosyalin na walis tambo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media