Connect with us

Viral

Pagmamalasakit ng isang kostumer sa delivery rider ng isang sikat na fast food chain nagsilbing paalala sa publiko!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang mahilig sa mga pagkain na nabibili nang mabilisan. May mas papatok pa ba sa mga pagkain mula sa fast-food chain?

Talaga kasing masarap at sulit naman ang iyong ibabayad dahil sa lasa ng mga pagkaing kanilang inihahain sa kanilang mga parokyano. Ngunit hindi lamang pagkain ang binabayaran sa kanila kundi maging ang maayos na serbisyong hatid nila sa publiko.

Noon pa man ay marami nang mga Pilipino ang nagrereklamo sa mga mababagal na serbisyo at mga bagay na maaari nilang i-complain pa sa isang fast-food restaurant. Madalas nga ay maririnig pa natin sa mga kawawang crew na tila ba pati kanilang dignidad at buong pagkatao ay nabili na ng ilang mga kostumer.

Hindi na kasi bago ang mga pagsigaw at hindi magandang pagkompronta ng ilang mga kostumer sa mga crew ng mga food business na ito. Sa kabila pala ng kabi-kabilang mga reklamo ng mga kostumer na ito ay mayroon pa rin palang mga kostumer na may malawak na kaisipan at pang-unawa.

Tulad na lamang ng isang kostumer na ito na naglagay pa talaga ng note sa kaniyang order na nagsasabing “Please tell the rider not to rush! It’s raining and it doesn’t matter how late they will come. Just drive carefully. Thank you.” Talagang marami ang natuwa sa post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Arnie Leonor na isang manager sa isang branch ng kilalang fast-food chain na ito.

Hindi lahat ng mga kostumer sa ngayon ay magmamalasakit ng ganito sa kanilang kapwa. Kahit pa nga sabihing nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at maituturing ding frontliners ang mga delivery riders na ito.

Ngunit sa kabila ng panganib ay nagsusumikap pa rin sila para sa kanilang pamilya at upang makapaghatid din ng magandang serbisyo sa kanilang mga kostumer. Mas maraming mga netizens ngayon ang natauhan sa kabutihang-loob na ito ng naturang kostumer.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media