Connect with us

Viral

Anak na ginawang canvass ang sasakyan ng kaniyang ama, hindi pinagalitan ngunit pinasalamatan pa ng kaniyang ama!

Published

on

Isa na marahil sa sukatin ng tagumpay ng isang tao ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa, mga negosyo, at mga mamahaling sasakyan. Madalas na alagang-alaga ang mga sasakyan na ito, hindi lamang ito alaga sa linis ngunit palagi ring mayroong “check-up”, “change oil”, o “maintenance”.


Ngunit ano nga kaya ang mararamdaman natin kung isang araw ay makita na lamang natin na nasulat at na-drawingan ng ating anak ang pinakaIingatan nating sasakyan? Marahil ay marami sa atin ang magagalit ng husto at magagawang mamalo ng ating mga anak ngunit para kay Mr. Yang mula sa Taiwan ay hindi niya nagawang magalit sa kaniyang anak dahil sa ginawa nito sa kaniyang sasakyan.


Nag-drawing kasi ang kaniyang anak na babae ng ilang mga larawan sa mismong sasakyan niya. Makikita ang larawan nilang mag-anak, ilang mga letra at ilang mga imahe sa obra ng kaniyang anak.

Dagdag pa ni Mr. Yang ay hindi raw niya ipapabura ang mga guhit na ito dahil sa nais niyang mag-iwan ito ng magandang alaala para sa kaniya at para sa kaniyang anak. Masaya siya dahil nagagawa ng kaniyang anak na maipahayag ang kaniyang saloobin mula sa mga likha niyang guhit.


Naipapakita rin niya sa mga ito kung gaano niya kamahal ang bawat miyembro ng kanilang pamilya. Marahil ay madalas nating napapagalitan ang ating mga anak dahil sa mga bagay na ginagawa nila.

Maaaring akala natin ay hindi maganda ang mga ginagawa nilang ito ngunit dapat din nating ilagay ang ating sarili sa kanilang sitwasyon. Maaaring may ibang dahilan kung bakit nagagawa nila ang mga ito at kadalasan ay natural lamang ito dahil sa sila ay mga bata pa.


Kung kaya naman para sa atin na mga magulang nila ay mas dapat tayong maging mapagpasensiya at mapagmahal. Sikapin nating mas maging malawak ang ating pang-unawa dahil sa tiyak na mas magiging mabuti tayong mga magulang kung gagawin natin ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media