Connect with us

Viral

Netizen ibinahagi ang resulta ng kanyang National ID! Maraming Netizens ang naka-relate!

Published

on

Nag viral sa social media ang post ni Manelyn Barredo Biarcal tungkol sa kaniyang National ID. Ayon sa dalaga ay tila nagmukha diumano siyang 55 taong gulang kahit ang totoo ay batang bata siya.

Nilakip din niya ang kaniyang ID at ang profile picture niya sa kaniyang Facebook account. Samantala, marami namang mga netizens ang tila naka-relate sa nangyaring ito ay Manelyn.

Diumano ay nagiging “haggard” daw talaga ang kanilang hitsura sa kanilang mga IDs o “Identification Card” kumpara sa kanilang tunay na hitsura sa personal. Mayroon nang higit sa 52,000 ang mga taong nag-react sa naturang post habang higit sa 61,000 naman ang mga shares.

Maraming mga netizens ang nagsabing dapat na mas maging maayos na ang ID system natin sa ngayon upang kahit papaano ay hindi na magdulot pa ng pagkalito patungkol sa hitsura ng taong nagmamay-ari ng ID. Ang mga ID na ito ang ilan lamang sa mga importanteng dokumento o patunay na tayo ay naninirahan dito sa Pilipinas.

Nagiging mas madali rin ang maraming mga proseso sa napakaraming mga establisyemento dahil sa mga ID na ito. Kung kaya naman sa tuwing nawawalan ng mga wallet ang marami sa atin, nais na lamang natin na maisauli ang mga dokumento at ID na nasa loob nito kahit hindi na ang laman na pera dahil sa mas madaling kitain ang pera kaysa mag-asikaso ng mga ID lalo na sa panahon ngayon.

Bagamat nakakatuwa ang insidenteng ito para sa iilan, tiyak na mas marami pa ring mga Pilipino ang magsasabing mas mahalaga na mayroong ID kahit na hindi kapani-paniwala ang larawan mo dito kaysa naman sa wala kang maipakitang ID kung kailan mo ito kailangan.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media