Connect with us

Viral

Elha Nympha, ginulat ang marami niyang tagahanga sa kaniyang mga “glow-up photos” na madalas niyang ibahagi online!

Published

on

Si Elha Mae Nympha o mas nakilala natin bilang si Elha Nympha ay 17 taong gulang na singer na una nating nasilayan sa The Voice Kids noong taong 2015 kung saan siya ang tinanghal na Grand Winner. Ayon sa ilang mga ulat ay tatlong taon pa lamang siya ay nakakakanta na siya at sa edad na pitong taong gulang ay sumasabak na siya sa mga singing competition.

Photo credit: Elha Nympha IG

Talaga namang hasang-hasa na ang kaniyang talento sa pag-awit. Hindi na nakapagtatakang maraming mga proyekto pa ang kumakatok sa kaniyang pintuan ngayon.

Maliban sa pagiging isang mahusay na mang-aawit ay talagang kinabiliban din si Elha dahil sa kaniyang naging pambihirang transpormasyon ngayon. Kung noon ay isa siyang cute na bulilit, ngayon ay isa na siyang ganap na dalaga.

Photo credit: Elha Nympha IG

Napansin ng maraming mga netizens ang ilan sa kaniyang mga larawan nang minsan siyang magbakasyon sa Bolinao, Pangasinan. Kitang-kita ang malaking pagbabago sa kaniyang katawan dahil sa talagang pumayata na siya ng husto at tuluyan nang nabawasan ang kaniyang timbang.

Nang minsang makapanayam si Elha sa telebisyon ay ibinahagi niya ang tunay na dahilan kung bakit niya naisipang magbawas ng timbang. Ayon sa dalaga ay naiinip daw siya sa loob ng kanilang bahay kung kaya naman napag-isipan niyang mag-diyeta at mag-ehersisyo upang malibang naman siya.

Hindi niya akalain na magiging napakaganda pala ng resulta. Marami ang pumuri sa kaniya dahil sa naging pagpapahalaga niyang ito sa kaniyang sarili.

Gayundin naman ay mas marami pa ang humanga sa kaniya at nagkaroon ng inspirasyon dahil sa kaniya. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagsabing nais din nilang gawin ito hindi lamang upang mas maging payat ang kanilang pangangatawan kundi upang mas maging malusog din sila lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Photo credit: Elha Nympha IG

Tunay nga na mas marami nang mga tao ngayon ang mas nagiging maingat sa kanilang kalusugan at pangangatawan na dapat talaga nating tularan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media