Connect with us

Viral

Isang restaurant owner, tinulungan at binigyan ng trabaho ang isang pulubi na nanghihingi lamang sa kaniya ng pagkain!

Published

on

Sadyang napakahirap na talaga ng buhay ngayon. Hindi na maawat ang palaging pagtaas ng mga bilihin habang ang sweldo ng isang ordinaryong manggagawa ay hindi naman nadaragdagan.

Nakakalungkot isipin na mas maraming mga pamilya ngayon ang nahihirapan dahil na rin sa pandemya. Maging ang mga taong nakatira na lamang sa lansangan ay patuloy ding dumarami. Buti na lamang ay marami pa ring mga tao ang hindi nagsasawang tumulong sa kanilang kapwa.

Tulad na lamang ng babaeng ito. Noong una ay napansin ni Cesi Abi ang isang lalaki sa labas ng kaniyang cafe.

Humihingi ito ng pera sa kaniya kung kaya naman agad niyang tinanong ang lalaki kung bakit wala itong trabaho. Matapat naman siyang sinagot nito at sinabi sa kaniya na walang may gustong tumanggap sa kaniya dahil sa kaniyang nakaraan.

Dati na kasi siyang nakulong kung kaya naman ang lahat ng tao ay masama na kaagad ang tingin sa kaniya. Nang magkausap sila nang masinsinan ay napagdesisyunan ni Cesi na bigyan ng pagkakataon ang lalaki na patunayan ang kaniyang sarili.


Inalok niya ito ng trabaho na labis na ikinagulat ng lalaki. Hindi niya akalain na tutulungan siya ng mismong may-ari ng café.

Dahil sa kulang din ang kaniyang mga tauhan noon kung kaya naman talagang umayon ang pagkakataon sa lalaki. Ilang araw pa ang nakalipas at laking gulat ni Cesi dahil sa responsable talaga ang lalaki.

Hindi ito nahuli sa oras ng kaniyang trabaho at talagang napakasipag sa mga gawain sa kaniyang café. Nang matanggap na ng lalaki ang kaniyanga sweldo ay kaagad namang bumili ito ng pagkain sa kanila mismong café.

Masarap daw sa kaniyang pakiramdam dahil sa wakas ay mayroon na siyang pambayad sa kaniyang pagkain. Tunay nga na hindi dapat natin husgahan ang isang tao dahil lamang sa kaniyang mga nagawang mali noon.

Hindi natin alam ang kaniyang mga pinagdaanan kung kaya naman mas nararapat na bigyan natin sila ng pagkakataon na matulungan din ang kanilang mga sarili tulad na lamang ng ginawang ito ni Cesi.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media