Connect with us

Viral

Mga magsasaka, nakatanggap ng $700 o mahigit Php33,400 kapalit ng kanilang nahukay. Hindi nila akalain kung magkano talaga ang tunay na presyo nito!

Published

on

Maraming mga nakakamanghang bagay ang madalas na matuklusan ng mga tao. Talaga namang hanggang sa mga panahon na ito ay hindi pa rin nawawala ang katotohanan na kahit gaano pa ka-moderno ang ating pamumuhay ay marami pa rin talagang mga bagay ang nakapagpapamangha sa atin.

Isa na marahil sa mga nakakamanghang bagay na ito ang dambuhalang bagay na nahukay ng dalawang magsasaka sa isang probinsiya sa bansang Tsina. Sa probinsiya ng Si Chuan ay nakapaghukay sila ng isang napakalaking ugat.

Kalaunan ay natuklasan nilang ugat pala ito ng “Ginseng”. Agad nila itong naibenta sa halagang $700.

Sa halagang ito ay talagang nagalak na sila ng husto ngunit laking gulat at panghihinayang nila nang malaman nila ang tunay na presyo ng kanilang nahukay. Ang ugat palang ito ay isa sa pinakasikat na halamang-gamot sa buong mundo.

Maaari din itong maging gamot sa napakaraming uri ng sakit. Hindi lamang ito pinaniniwalaan na nakakadagdag ng enerhiya sa isang tao kundi nakakatanggal din ng stress.


Kapahingahan din ang dulot nito sa mga taong pagod kung kaya naman marami talaga ang nagnanais na sumubok nito. Maging sa mga kalalakihan ay mayroon din itong malaking benepisyo.

Dahil sa napakaraming maaaring paggamitan nito ay hindi na nakapagtataka na isang pulgada lamang nito ay nagkakahalaga na ng $300 hanggang $600. Nang malaman ito ng dalawang magsasaka ay hindi nila maiwasang magalit sa taong bumili sa kanila ng “Ginseng” sa halagang $700 lamang.

Napag-alaman nilang $7000 pala ito nabenta ng taong iyon. Mayroon ding isang mayaman na naghahanap ng ganitong klase ng gamot at handang magbayad ng halagang $300,000.

Naging matinding aral na ito sa kanila na kung naghintay lamang sana sila at nagtanong ay tiyak na mas makukuha nila ang nararapat sa kanila. Nakakalungkot isipin na mayroong mga tao na nagagawang manlamang ng kapwa nila para lamang sa pangsarili nilang pakinabang.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media