Connect with us

Viral

Isang lolo na nakatira sa isang bubong, nakatanggap ng tulong sa isang OFW na siyang nagpagawa ng isang maayos na bahay para sa kaniya!

Published

on

Marami ang naantig sa kalagayan ng matandang lalaki na ito dahil sa literal na nakatira lamang siya sa isang bubong. Ang kaniyang tirahana ay ilang mga bubong lamang na nakasayad sa lupa.

Sa ilalim mismo ng bubong na ito ang kaniyang higaan, kainan, at minsan ay ang kaniya na ring palikuran. Napakahirap makakita ng isang matandang nasa mahirap pang kalagayan. Dapat sana ay maayos at komportable na siyang namumuhay sa ngayon ngunit dahil sa kahirapan ay kailangan pa niyang pagdaanan ang ganito.

Ayon sa ilang mga ulat ay bulag din si Lolo Rogelio Tabangcura na nakatira sa barangay Nanerman sa Santo Domingo, Ilocos Sur kung kaya naman ganoon na lamang ang naging pagmamalasakit sa kaniya ng OFW na si Krishna Tobia. Sa edad ni Lolo Rogelio na 68 taong gulang ay umaasa na lamang siya sa kaniyang kapatid na nagbibigay sa kaniya ng pagkain paminsan-minsan.

Hirap din kasi ito sa buhay kung kaya naman hindi rin ito palaging nakakatulong sa kaniyang kapatid kahit na gustuhin pa nito. Dahil sa pagmamalasakit ni Krishna ay nakalikom siya ng $2,000 o halos Php100,000.


Ito ay sapat na upang makapagpagawa ng maayos na tirahan para sa matanda. Nakabili na ng materyales at talagang nagtulong-tulong ang lahat para lamang maitayo ang munting tahanan ni Lolo Rogelio.

Sa ngayon nga ay unti-unti nang natatapos ang kaniyang sariling bahay. Sa wakas ay hindi na siya mahihirap pa sa araw-araw niyang pamumuhay.

Maaari na siyang makakilos ng nakatayo at komportable sa loob ng kaniyang tirahan. Ligtas na rin siya sa matinding sikat ng araw at maging sa nakakatakot na hagupit ng bagyo o kahit pa panaka-nakang pag-ulan lamang.

Buti na lamang at marami pa ring taong may mabuting kalooban tulad ni Krishna at ng mga taong tumulong kay Lolo Rogelio upang siya ay magkakaroon ng isang maayos na tirahan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media