Connect with us

Viral

Isang turista na nakabasag ng isang Jade bracelet, nahimatay matapos malaman ang tunay na halaga nito!

Published

on

Bago pa man ang pandemya ay talagang marami na sa atin ang nagpupunta sa maraming mga magagandang lugar upang mamasyal. Madalas na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay kung kaya naman mas nagiging “memorable” o hindi malilimutan ang mga sandaling ito.

Madalas nga ay kahit malalaki na ang mga anak ay naaalala pa nila ang mga ganitong pangyayari sa kanilang buhay. Ngunit para sa isang matandang babaeng ito, talagang hinding-hindi niya malilimutan ang pamamasyal nilang ito dahil sa nabasag niyang Jade bracelet.

Ayon sa ilang mga ulat, tumitingin-tingin at nagsusukat ng bracelet ang turista na ito sa Ruili City sa South Western China nang makabasag siya ng isa sa mga tindang bracelet dito. Ayon sa ilang mga nakasaksi noon, hawak hawak ng matandang turista ang isang Jade bracelet nang bigla na lamang itong dumulas sa kaniyang mga kamay.


Tuluyan na nga itong nabasag at nahati sa dalawa. Ikinagulat din ito ng mga nagtitinda at kaagad namang sinabi sa matandang turista at sa pamilya nito na kailangan nilang bayaran ang nabasag na bracelet.

70,000 Yuan ang ibibigay sana ng pamilya para sa nabasag na Jade bracelet ngunit hindi pumayag ang may-ari ng tindahan dahil sa luging-lugi pa raw sila. Nang matapos ang kanilang masinsinang pag-uusap ay napagkasunduan na lamang nilang magbayad ang pamilya ng 180,000 Yuan.

Ayon pa sa ilang mga ulat, ang nabasag palang bracelet ay mayroong halaga na 300,000 Yuan o halos Php2,105,480! Nahimatay ang matandang turista ng marinig ito kung kaya naman agad na sumaklolo sa kaniya ang kaniyang pamilya.

Nakuhanan din ng ilang mga larawan ang pagkakahimatay niyang ito. Talaga namang isang matinding aral ang insidenteng ito para sa maraming mga taong bumibiyahe at namamasyal.

Hindi dapat tayo maging masyadong kampante at komportable dahil marami talagang posibleng mangyari lalo na kung hindi tayo madalas mag-ingat.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media