Connect with us

Viral

Isang 12-anyos na dalagita sa Palawan, lumobo ng halos 20 kilo ang dibdib na talaga namang nagpapahirap sa kaniya sa araw-araw!

Published

on

Hindi na lingid sa maraming mga kababaihan ang mga operasyon na maaaring gawin lalo na kung gustong magpabawas o magpadagdag ng kahit anong bahagi ng katawan. Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng publiko sa kwentong ito ng isang dalagita mula sa Palawan.

Ayon sa ibinahaging post ng sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho” ay mayroong mabigat na dinadala ang dalagitang si Yumi. Siya ay 12 taong gulang lamang ngunit ang kaniyang dibdib ay lumaki na ng husto at mayroon nang bigat na halos 20 kilo!

Sa kaniyang taas na 4”9 ay mayroon nang sukat ang kaniyang hinaharap na 40 triple cup D. Sa ngayon ay nakatira si Yumi sa poder ng kaniyang tita na si Grace Cruz sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang kaniyang mga magulang at mga kapatid naman ay nasa Taytay, Palawan. Ang kaniyang ina na si Maricel ay isang guro.

Labis din siyang nagulat nang malaman ang kalagayan ngayon ng kaniyang anak. Ayon sa ilang mga eksperto, ang kondisyon pala ang dalagita ay “Juvenile Gigantomastia – ito ay ang agresibong paglaki ng mga laman.

Sa kondisyon ni Yumi ay lumalaki ng husto ang kaniyang dibdib. Hindi lamang ang kaniyang pisikal na anyo ang apektado kundi maging ang sikolohikal na aspeto ng kaniyang pagkatao.

Hindi madali ang pinagdaraanan ng bata lalo na at hindi na niya nagagawa ang mga bagay na nagagawa niya noon tulad na lamang ng pagtakbo, pakikipaglaro at malayang paglabas ng kanilang bahay. Maaari namang sumailalim sa operasyon si Yumi ngunit kakailanganin nilang makalikom ng Php600,000 hanggang Php1 milyong piso.

Sa ngayon ay mayroon nang mga nais tumulong sa dalagita ngunit habang wala pang petsa ang kaniyang operasyon ay binigyan muna siya ng tulong ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho”. Ilang mga bra na maaari niya munang gamitin upang kahit papaano ay gumaan naman ang kaniyang dala-dala.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media