Connect with us

Viral

Isang 16-anyos na dalaga mula sa siyudad ng Cotabato, pang-50-anyos na agad ang edad!

Published

on

Maraming mga Pilipina ang nangangarap na magkaroon ng makinis at mala-porselanang kutis. Marahil ay naging impluwensiya na sa atin ito ng mga dayuhan. Natural na kayumanggi ang kulay nating mga Pilipino ngunit dahil na rin sa naging pananakop ng ilang mga dayuhan ay unti-unting lumaganap ang putting kulay ng balat.

Hindi na nakapagtatakang marami na rin ang mga produkto ngayon sa merkado na diumano ay nakapagpapaputi raw ng balat. Nakakadagdag talaga ng kompiyansa sa sarili ang pagkakaroon ng magandang hitsura.

Ito ang problema ngayon ng isang 16 na taong gulang na dalaga mula sa siyudad ng Cotabato dahil sa ang kaniyang balat ay pang-50 taong gulang na! Naitampok ang kaniyang kwento sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho”.


Ang dalagang nakilala bilang si Raizel ay talagang batang-bata pa ngunit kung makikita mo ang hitsura niya ngayon ay aakalain mong isa na siyang lola. Ayon sa social media post, hindi rin batid ng dalaga kung bakit at paano ito nangyari sa kaniya.

Kumukulubot na lamang daw ang kaniyang balat na nagsimula sa kaniyang leeg. Kahit na tanungin pa siya ng mga tao sa kaniyang paligid ay talagang hindi niya malaman ang isasagot sa tila maaga niyang pagtanda.

Maraming mga netizens ang talagang nagulat sa pangyayaring ito. Makikita rin kasi sa mga larawan ang hitsura niya noon at ngayon, napakalaki ng pagkakaiba.

Mayroon ding ilang mga netizens ang nagsasabing tila katulad ito ng kwento sa pelikulang “The Curious Case of Benjamin Button”. Ilang mga netizens pa ang mayroong hinala na diumano ay kinulam ang dalaga kung kaya naman hindi maipaliwanag ang kaniyang kondisyon sa ngayon.

Sa ngayon ay umaasa pa rin ang dalaga na matulungan sila at mahanap nila ang kasagutan kung bakit nga ba talaga ito nangyayari sa kaniya.
“Para na pong ampalaya ‘yung balat ko sa sobrang kulubot! Sana po mawala na po ang karamdaman ko kung ano man ito,” Pakiusap pa ni Raizel.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media