Connect with us

Viral

Isang 21 taong gulang na binata, hinahangaan at kinabibiliban dahil sa pagiging masipag nito sa kabila ng kaniyang kapansanan sa gitna ng pandemya!

Published

on

Marami ang nagulat nang kumalat sa social media ang kwento na ito ng isang binatang nakilala bilang si Ryan Moralidad. Siya ay 21 taong gulang na at mayroong kapansanan na naninirahan sa Sibsib, Tulunan, Cotabato.

Kalahati na lamang kasi ang kaniyang katawan ngunit sa halip na mawalan ng gana at inspirasyon sa buhay ay mas nagkaroon pa siya ng dahilan upang magsumikap sa buhay. Nais niya kasing makatulong pa rin sa kaniyang pamilya sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Sa gitna ng pandemya ay nagagawa pa rin niyang magsaka at mag-uling. Marahil ay simpleng bagay lamang ito para sa marami sa atin ngunit mahirap ito para sa mga katulad ni Ryan.
Samantala, hindi naman alintana ang pagod at hirap sa mukha ng binata. Tila ba wala rin siyang pinag-iba sa mga ordinaryong tao sa kaniyang paligid lalo na kung mga gawain lang naman ang pag-uusapan.

Napakapalad ng kaniyang pamilya dahil sa maaasahan at responsable si Ryan. Nagsilbi rin siyang inspirasyon sa maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang pagsusumikap sa buhay.

Hindi siya nagreklamo o sumisi ng sino man bagkus ay talagang pinagsumikapan niya ang kung ano mang mayroon siya ngayon. Dahil sa kaniyang nakakamanghang kwento ay nagsimula na ring bumuhos ang mga tulong para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Marami ding mga netizens ang nagpahayag na hindi na dapat pang magreklamo ang sino man sa atin lalo na kung simpleng mga bagay lang naman ang kanilang pinoproblema. Mas mainam din naman na magpursige pa tayo ng husto sa buhay kahit na mabigat ang ating pinagdaraanan dahil sa hindi lamang nito maisasaayos ang ating buhay kundi magsisilbi din tayong inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa atin.

Tulad na lamang ng kwento na ito na Ryan na sa kabila ng kaniyang kalagayan ay hindi siya nagtanong kung bakit at hindi siya nawalan ng pag-asang mabuhay sa mundo, bagkus ay mas naging masipag pa siya para sa kaniyang mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media