Connect with us

Viral

Pintuan ng isang sirang refrigerator, ginamit bilang pinto ng banyo!

Published

on

Bilang isang Pilipino, marami tayong mga katangian na talagang hinahangaan ng ibang mga lahi. Isa na marahil dito ang pagbabayanihan natin, ang pagiging malapit natin sa ating mga kapamilya, pagsasabi ng “po” at “opo”, pagiging likas na masayahin at ang pagiging madiskarte natin sa maraming mga bagay.

Kamakailan lamang ay naitampok sa Facebook page na Maldita ang pagiging malikhain ng isang Pinoy na ito. Sa larawan na ibinahagi ng naturang page ay makikita ng tila isang pintuan ng ref ngunit kung iyong bubuksan ay makikitang banyo pala talaga ng nasa loob nito.

Maging ang ilang bahagi ng pintuan ng ref ay ginawa ring sabitan ng ilang mga sipilyo at maaari ding paglagyan ng sabon na pangligo. Talaga namang nakakamangha ang mga gawang Pinoy.

Sinong mag-aakala na ang ilan sa mga bagay na madalas nating itapon na lamang ay maaari din palang mapakinabangan pa? Narito pa ang ilan sa mga komento ng mga netizens tungkol sa naturang post:

“Resourceful ang tawag dito. Hindi nasayang ang patapon na sanang pintuan ng ref.” Komento ng isang netizen.

“Cute kaya. Kala mo ref na malaki yun pala CR lang. May ganyan din bahay ng tropa ko non hindi ko lang maalala kung sino.” Pahayag pa ng isa.

“Magandang ideya yan ah. Yong patapon na pinto ng ref pwede pala at may lagayan pa ng sabon, toothbrush etc.” Turan pa ng isa.

Hindi na bago sa atin ang mga ganitong pagsasalba sa ilang mga luma at sira nang gamit sa bahay. Sa katunayan ay minsan na ring kinagiliwan ang ref na ito ni Jenzel Gonzales na ginawa niyang aparador.

Binalutan lamang niya ito ng wallpaper at nilagyan ng alkampor upang maalis ang hindi magandang amoy nito. Mayroon pang isang paaralan mula sa Angat, Bulacan ang gumawa ng isang hand washing facility mula sa sirang ref.

Nakakamangha hindi ba? Bawas na ang kalat sa ating kapaligiran ay nakatipid pa tayo ng husto.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media