Connect with us

Viral

Napakagandang “transformation” ng isang ginang, labis na kinabibiliban ngayon online ng maraming mga netizens!

Published

on

Mahalaga ang pisikal na anyo para sa marami sa atin. Hindi lamang mga kababaihan ang talagang nag-aayos at nagpapaganda kundi maging ang ilang mga kalalakihan rin.

Ang pisikal na anyo na rin natin ang nagiging batayan ng ilang mga tao upang pakisamahan at pakitunguhan tayo ng maayos. Kahit pa nga mayroon tayong kasabihan na “Don’t judge a book by its cover.”

Hindi na rin talaga maiaalis pa sa mentalidad ng maraming mga Pilipino na husgahan ang isang tao dahil sa kanilang panlabas na anyo. Buti na lamang at mas marami na rin sa atin ngayon ang marunong mag-alaga sa ating mga sarili at hindi na rin naman bago ang pagpapaayos o pagpapaganda lalo na sa panahon natin ngayon.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging napakagandang transpormasyon ng ginang na ito. Mapapansin na napakalaki ng ipinagbago ng kaniyang hitsura mula sa kaniyang larawan na wala pa siyang kahit anong make-up at sa kaniyang bagong larawan kung saan siya ay naayusan na.

Lumabas pa lalo ang angkin niyang kagandahan sa kabila ng kaniyang edad. Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.

Marami din ang humanga sa make-up artist na siyang nag-ayos sa ginang. Tunay nga na hindi naman lahat ng bago o modernong bagay sa ngayon ay masama na.

Marami pa ring mga bagay sa ngayon na kung gagamitin mo sa ayos ay talagang mapapakinabangan mo ng husto. Tulad na lamang ng mga make-up na ito na kung sosobra ay hindi magiging maganda ngunit kung maayos mo itong gagamitin ay siguradong magiging benepisyal ito sa iyo at sa mga taong nasa iyong paligid.

Isang patunay din ito na hindi naman talaga hadlang ang edad o anumang “flaw” sa ating hitsura upang masabi nating hindi tayo maganda. Kaya nating maging maganda sa paraang alam na natin. Kung bibigyan lamang natin ng oras at pagmamahal ang ating mga sarili, tiyak na ibabalik din nito ang pag-aalagang ating ginawa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media