Connect with us

Uncategorized

Isang senior citizen na lola kumikita ng Php500,000 bawat live session ng mga secondhand luxury bags niya!

Published

on

Sa panahon ng pandemya ngayon, napakarami ang nawalan ng trabaho at mga negosyong kinailangang magsara dahil sa pagkalugi. Nakakalungkot mang isipin ngunit madami tayong naranasang hindi magandang mula nang magsimulang kumalat ang nakakahawang sakit sa buong bansa.

Sa kabila ng mahirap na pagsubok na ito ay patuloy pa ring kumakapit ang maraming mga Pilipino at mas nagpapakatatag pa para sa kanilang pamilya. Kaniya-kaniyang diskarte naman ang marami sa atin kung paano makakaiwas sa labis na kahirapan at kalungkutan na dulot ng pandemya.

Isa na marahil sa mga ito ang senior citizen na si Ma. Lourdes Domingo o mas kilala sa palayaw niyang “Mommy Luth”. Naitampok siya kamakailan lamang sa segment ni Winnie Monsod sa “Unang Hirit” kung saan naging ibinahagi niya ang kwento ng kaniyang tagumpay.

Sa gitna kasi ng pandemya ay naisipan niyang magbenta ng mga secondhand bags. Ngunit hindi ito basta basta bag lamang.


Mga branded at luxury secondhand bags kasi ang mga ito. Hindi tulad ng ibang mga Pilipino na nais lamang magkaroon ng mapagkakakitaan o di kaya naman ay mapaglilibangan, ginawa ito ni Mommy Luth dahil sa pagpanaw ng kaniyang matalik na kaibigan.

Nais niyang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan na kaniyang nararamdaman ng mga panahong iyon kung kaya naman sinubukan niya ring mag-live online selling. Sa naging panayam sa kaniya ay kumikita raw ito ng Php500,000 kada live session niya.

At sa kaniyang live session na ito ay nakabenta na siya ng 20 mga bags. Madalas na makikita ang kaniyang mga live session sa FP Page niyang “Mommy Inspire and Prosper”.

Tunay nga na hindi hadlang ang edad upang makagawa pa ng mas maraming mga bagay ang isang tao. Madalas kasi sa lipunang ating ginagalawan ay hindi na rin nabibigyan pa ng importansiya ang mga senior citizen na tulad ni Mommy Luth.

Kadalasan ay nasa loob na lamang sila ng tahanan at hindi na nakakagawa pa ng mga bagay na dapat sana ay nae-enjoy pa nila kahit sila ay may mga edad na.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media