Connect with us

Viral

Isang nars, mas pinili na lamang maglakad pauwi pagkatapos ng kaniyang trabaho para lamang mabigyan ng tulong ang ilan sa mga pulubi na kanilang madaraanan!

Published

on

Noon pa man ay ramdam na ramdam na natin ang hirap ng buhay. Ngunit mas naging mahirap pa ang panahon ngayon dahil na rin sa pandemyang patuloy pa rin nating nararanasan.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng panganib na nakabadya sa mga taong walang tirahan at mga pulubi sa lansangan ay talagang wala silang ibang magawa kundi tanggapin na lamang ang mahirap nilang sitwasyon. Buti na lamang at marami pa ring mga tao ang pinipiling tumulong sa mga taong mas nangangailangan.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Tulad na lamang halimbawa ng isang nars na ito. Ayon sa kaniyang katrabaho na si Hafiz Marohombsar, pauwi na sila noon galing sa kanilang trabaho nang maiwanan sila ng kanilang “free shuttle”.

Tinanong siya ng kaniyang katrabaho kung nais niyang samahin ito na maglakad na lamang pauwi. Dahil sa matagal pa ang oras bago dumating ang panibagong sasakyan nila ay pumayag na rin ito.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Sinabi sa kaniya ng kaniyang katrabaho na dadaan muna sila sa “convenience store” dahil bibili siya ng kaunting pagkain para sa mga pulubing madaraanan nila. Nais niya rin sanang tumulong at mag-ambag sa pinamiling ito ng kaniyang katrabaho ngunit hindi na nito tinanggap pa ang kaniyang pera.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Sapat na raw ang kaniyang pagsama at pagbibitbit ng kanilang mga dala-dala. Namangha siya ng husto sa kaniyang katrabaho dahil sa pagnanais nitong matulungan ang mga taong walang tirahan at mga pulubing nadaraanan nila.

Dagdag pa niya ay hindi lubos maisip nito kung paanong nakakaraos ang mga pulubing ito sa araw-araw lalo na at wala silang tirahan, wala rin silang hanap-buhay. Naubos na ang mga pagkaing binili nila kung kaya naman muli silang bumili ng ilan pang pagkain upang maibigay sa mga pulubi.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Ito na lamang daw ang kaya niyang gawin para sa kanila, ang mag-abot ng kaunting tulong upang kahit papaano ay gumaan naman kahit sandali ang kanilang dinadala.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media