Connect with us

Viral

Lolo na pinapayungan ang kaniyang mga apo habang nagsasagot ng kanilang mga modyul kung saan lamang may signal, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Dahil sa pandemyang patuloy pa rin nating nararanasan hanggang sa mga panahong ito ay kinailangan ng maraming mga mag-aaral na magtiis sa modular at distance learning. Para sa maraming mga pamilyang Pilipino lalo na yung mga naninirahan sa siyudad ay talagang walang magiging kahirap-hirap ang mga ito.

Ngunit para sa mga taong naninirahan sa malalayong lugar tiyak na mahihirapan silang makasagap ng malakas na signal para sa online class at pagre-research ng kanilang mga anak o apo. Isa na marahil ang mag-lolo na ito sa nakakaranas ng karagdagang hirap dahil sa sistemang ito ngayong ng edukasyon.

Ayon sa gurong nagbahagi ng kanilang mga larawan online na si Teacher Jorge Tejada na isang Senior High School ay madalas niyang mamataan ang mag-lolo na sina Arnulfo Teves, 71 taong gulang at apo nitong si Daniel na 12 taon gulang na nagtitiis sa isang liblib na lugar upang matapos lamang ang mga aralin ni Daniel. Nasa ika-pitong baitang na siya ngayon ngunit dahil nga sa pandemya ay kinailangan nilang danasin ang mahirap na sitwasyong ito.


Humingi ng pahintulot ang guro sa lolo kung maaari niya silang kuhanan ng larawan. Ayon naman sa lolo ay maipabatid sana ng guro ang kanilang kalagayan sa kinauukulan.

Araw-araw kasing naglalakad ng 30 minuto ang mag-lolo marating lamang ang liblib na lugar na ito kung saan mayroong mas malakas na signal. Kahit mahirap ay pinipilit pa rin ng matandang magabayan ang kaniyang apo sa kaniyang pag-aaral.


Maliban pala sa sakripisyong ito ng matanda ay siya rin ang bumubuhay sa kaniyang anak na mayroong kapansanan at sa tatlong mga apo nito. Katuwang ang kaniyang misis ay pilit nilang pinagkakasya ang Php5,300 nilang pensyon.

Marami naman ang mga netizens na naantig sa kwentong ito ng mag-lolo at nais nilang matulungan ang mga ito upang hindi na nila kailanganin pang umalis ng kanilang bahay araw-araw makahanap lamang ng maayos na signal para sa pag-aaral ng kaniyang apo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media