Connect with us

Viral

Napakasimple ngunit masayang kasalan ng mag-asawang ito, hinangaan ng maraming mga netizens!

Published

on

Ang pagpapakasal na yata ang isa sa pinakamahalagang pagdiriwang na pinaglalaanan natin ng oras, panahon, at pera. Naging kaisipan na kasi ng maraming mga Pilipino na dapat ay palaging enggrande ang isang kasalan kung saan maraming mga kakilala at kamag-anak ang dapat na imbitado.

Imahe: Partidarios/Facebook

Ngunit sa paglipas ng maraming mga taon ay unti-unti nang namumulat ang publiko na hindi na dapat pang maging ganito ang paniniwala ng marami sa atin. Walang masamang maging praktikal lalo na kung talagang hindi naman din kaya ng dalawang taong ikakasal ang magkaroon ng enggrandeng selebrasyon.

Imahe: Partidarios/Facebook

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang simpleng selebrasyon ng mag-asawang ito. Sa ilang mga larawan na ibinahagi ng Facebook Page na Partidarios ay makikitang nakaupo ang bagong kasal sa isang simpleng mesa na mayroong mga kulay “pink” na lobo.

Sa kalagitnaan nila ay mayroon namang mga simpleng plato at kutsara, mga softdrinks, kanin at ulam. Kapansin-pansin din naman na ang mga putaheng handa nila ay mga simpleng putahe na madalas nating makita sa ilang mga handaan.

Imahe: Partidarios/Facebook

Ilang larawan pa ang makikita kung saan kasama ng mag-asawa ang dalawa nilang mga anak. Isang larawan pa nila ang nagpaantig sa puso ng maraming mga netizens dahil sa labis ang saya ng mag-asawa na makatanggap ng anim na piraso ng baso.

Imahe: Partidarios/Facebook

Naging tradisyon na ng maraming mga Pilipino ang pagreregalo ng ilang mga gamit pambahay sa mga bagong kasal. Ito ay upang matulungan silang makapagsimula ng bago nilang buhay bilang mag-asawa.

Nakakatuwa lamang isipin na mayroon pa rin palang mga tao na masaya na sa simpleng handa na kanilang makakaya. Hindi na rin kakailanganin pang mangutang sa ibang tao para lamang magkaroon ng magarbong selebrasyon.

Imahe: Partidarios/Facebook

Kung sana ay magiging simple at kuntento lamang ang marami sa atin sa mga bagay na mayroon tayo, tiyak na mas marami sa atin ang magiging tunay na maligaya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media