Connect with us

Viral

Isang aso ang namataang nagpapahinga sa loob ng isang sikat na fast-food restaurant!

Published

on

Maraming mga animal lovers ang natuwa sa pagpapahintulot ng establisyementong ito na papasukin ang isang aso sa loob mismo ng kanilang restaurant. Ayon sa post ng netizen na si Sumatsen Nelson Tungbaban ay natuwa siyang makita ang asong Pino y na ito na komportableng nagpapahinga sa loob ng isang sikat na fast-food chain sa Mendiola St. sa Maynila.

Abril 30 lamang nang makuhanan niya ang nakakatuwang kaganapan na ito. Ayon pa sa kaniyang post, “Jollibee Mendiola allowing this doggo to stay inside kasi mainit daw sa labas.”

Base sa mga larawang ibinahagi niya online ay mapapansin ang asong nakilala sa pangalang Ronron na komportableng natutulog sa rubber mat sa pintuan ng restaurant. Halatang hindi ito ang unang beses na namahinga roon ang aso dahil sa talagang kampante ito sa lugar at minsan nga ay makikita pang nakatihaya.

Dagdag pa ng netizen sa kaniyang kwento ay hindi naman buong araw naroon si Ronron. Sa tuwing malapit nang magsara ang naturang restaurant ay saka lamang ito pumapasok na tila ba nagpapalamig dahil talagang napakainit na ng panahon natin sa ngayon.


Maraming mga netizens din ang hindi napigilang magkomento at magbigay ng kanilang mga reaskyon tungkol sa naturang post. Nakakatuwa daw at nakakatanggal ng stress ang makakita ng ganito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Noon pa man ay madalas nang hindi pinapayagan ang mga hayop sa loob ng isang establisyemento para na rin sakaligtasan ng mga empleyado at mga kostumer doon. Ngunit para naman sa Jollibee Mendiola branch ay mabait namang aso si Ronron kung kaya naman hindi na nila itinataboy pa.

Marahil ay gusto lang din ng asong ito na mamahinga ng komportable kung kaya naman pumapasok ito sa naturang lugar kahit pa nga marami ding tao ang naririto na madalas katakutan ng mga hayop. Si Ronron ay nakatira malapit lamang sa lugar ngunit maraming mga netizens ang nagsasabing sana ay mayroong mag-ampon sa aso upang hindi na ito magpagala-gala pa.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media