Connect with us

Viral

Isang pet owner ang nagulat nang mag-uwi ang kaniyang alagang pusa ng Php1,000!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang talagang interesado sa pagkakaroon ng mga alagang hayop. Pusa, aso, ibon, at marami pang ibang mga hayop ang talagang inaalagaan at pinapalaki ng marami sa atin.

Image: April Jean/Facebook

Madalas nga ay pamilya na mismo ang trato natin sa kanila. Hindi nga nakapagtataka na nakakaalis din sila ng stress lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ngunit aakalain mo bang maaari din palang magdala ng pera ang mga alaga nating hayop? Literal na may dalang pera kasi ang alagang ito ng netizen na si April Jean.

Hindi siya makapaniwalang mag-uuwi ng Php1,000 perang papel ang alaga niyang pusa na si Kenzie. Talaga namang labis siyang natuwa sa nangyari ngunit hindi rin niya maiwasang isipin kung saan nga kaya ito nakuha ng kaniyang alagang pusa.

Image: April Jean/Facebook

Ibinahagi ni April Jean ang karanasan niyang ito sa Facebook Page na “Cats and Kittens Philippines”. Nilagyan niya rin ito ng caption na “This morning I was so surprised when I saw my cat carrying something in his mouth and he gave me this. Nasabi ko agad, Hoyyy Kenzi saan mo ninakaw to?”

Maraming mga netizens din ang nagbahagi ng kanilang mga naging karanasan sa pag-aalaga ng kanilang mga minamahal na pets. Hindi daw talaga maiiwasan ang ganitong klase ng mga nakakatuwang bagay.

Mapalad din daw si April Jean dahil hindi daga ang dinadala sa kaniya ng alaga niyang pusa kundi pera mismo. Sinubukan na niyang ipagtanong kung mayroon sa kaniyang mga kapitbahay ang nawawalan ng pera, tinanong din niya ang mga kasama niya sa bahay.

Maging ang sarili niyang wallet ay agad din niyang tiningnan kung mayroong bang nawawalang pera ngunit wala naman itong bawas. Sa ngayon ay wala pang kumukuha sa napulot na pera ng pusa kung kaya naman marahil ay maaari na niya itong gamitin para ipambili ng pagkain at iba pang pangangailangan ni Kenzie.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media