Connect with us

Viral

Kostumer bumili ng pagkain sa isang restaurant na nagkakahalaga ng $7 lamang, nag-iwan siya ng $3,000 na halaga ng tip para sa mga staff nito!

Published

on

Marami na tayong naranasan na paghihirap dahil sa pandemyang nararanasan pa rin ngayon sa buong mundo. Nakakalungkot lamang isipin na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natin kayang gawin ang mga bagay na nagagawa natin ng malaya noon.

Image: Brendon Ring

Marami na ring mga negosyo ang kinailangang magdeklara ng pagkalugi at ilang mga manggagawa pa ang tuluyan nang nawalan ng kanilang kabuhayan. Labis na apektado ang turismo ng mga bansa gayundin ang ilang mga resort, hotel, kainan o restaurant at marami pang iba.

Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa ring lumalaban at nananatiling positibo ang marami sa atin. Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang kostumer na ito na nag-iwan ng $3,000 na halaga ng tip sa isang lokal na kainan sa Cleveland.

Bumili siya ng halagang $7 ngunit napakalaki ng iniwanan niyang tip. Ayon sa naging ulat ng CNN, hindi lubos akalain ng may-ari ng restaurant na si Brendon Ring na mag-iiwan ang isa sa kanilang semi-regular costumer ng tip na nagkakahalaga ng $3,000.

Image: Brendon Ring

Tulad ng maraming mga establisyemento, ang restaurant niyang Nighttown ay labis ding apektado ng pandemya. Kung kaya naman siya na mismo ang nagdesisyon na isara ang kaniyang negosyo ng ilang buwan upang kahit papaano ay hindi na makadagdag pa sa lumolobong bilang ng mga nagpopositibo sa nakakahawang sakit.

Ngunit bago pa man matapos ang huling araw ng kanilang negosyo ay hindi na nga nagdalawang-isip pa ang isa sa kanilang mga kostumer na bigyan sila ng napakalaking tip. “Good luck to you guys and we’ll see you when you reopen”.

Ito ang sambit sa kanila ng kanilang kostumer bago pa man siya tuluyang lumabas sa naturang restaurant. Lubos lubos naman ang pasasalamat ni Ring at ng kaniyang mga tauhan dahil sa biyayang natanggap nila sa gitna ng pandemya.

Tiyak na mas marami pang mga tao ang tutulong dahil sa ginawang ito ng mabuting Samaritano.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media