Connect with us

Viral

Isang Taiwanese na babae, nakilala ang kaniyang mister bilang isang guide sa pinuntahan niyang African Safari Tour!

Published

on

Tinaguriang “Safari Lovestory” ang kwento ng pag-ibig ng isang Taiwanese na babaeng ito at ng kaniyang mister na naging guide niya pala noon nang siya ay nag- African Safari Tour! Ibinahagi niya ang kwento ito sa Subtle Asian Traits Facebook page.

Image credits: Lu Lee-Kombe/FB

Lumahok pala siya noon sa isang “volunteering trip” si Lu Lee-Kombe at hindi nga niya inaasahang dito na pala niya matatagpuan ang kaniyang tunay na pag-ibig. Isinilang siya sa Taiwan, nag-aral sa Canada at South Korea kalaunan ay nagkaroon ng pagkakataong magturo sa Japan.

Image credits: Lu Lee-Kombe/FB

Nais ng kaniyang mga magulang na maging guro siya o di kaya naman ay “public servant” ngunit para sa kaniya ay parang mayroon pa ring kulang. Kahit pa nga sabihin na kahit papaano ay malayo na rin naman ang kaniyang narating.

Balak na talaga niyang kumuha ng kaniyang “Masteral Degree” pagkagaling niya sa kaniyang volunteer trip kung kaya naman nagdesisyon na rin siyang magboluntaryo bilang English teacher sa Tanzania sa loob ng dalawang linggo. Dahil dito ay nagkaroon siya ng tatlong araw na “wildlife safarai tour” na handog ng organisasyong kanilang nilahukan.

Image credits: Lu Lee-Kombe/FB

Dito na nga niya nakilala ang kaniyang Tanzanian safari guide na si Sam. Hindi na niya ibinahagi pa kung paano nagsimula ang kanilang relasyon ngunit talagang mapapansin sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan lalo na nga at mayroon na silang dalawang mga anak.

Image credits: Lu Lee-Kombe/FB

Hindi niya inakala na ang guide pala na kaniyang nakilala ang siyang may-ari ng safari camp at ng safari company na kaniyang nilahukan. Samantala, sa ngayon ay isa nanag manunulat si Lee-Kombe at nakapaglathala na rin siya ng dalawang mga nobela at kasalukuyang tinatapos ang ilan sa kaniyang mga librong pambata.

Image credits: Lu Lee-Kombe/FB

Talaga namang nakakamangha ang kanilang pag-iibigan. Hindi mo aakalain na marami na rin silang pinagdaanan bago pa man sila magkakilala ngunit sa kabila nito ay naging karapat-dapat sila para sa isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media