Connect with us

Viral

Isang maswerteng nanalo ng 158.4 million Jamaican dollars, nagsuot ng isang maskara upang hindi makilala ang kaniyang katauhan!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang umaasang manalo sa lotto at sa isang iglap ay kaagad na masosolusyunan lahat ng problemang pinansyal ng pamilya. Madalas nga ay hindi na rin maganda ang nagiging epekto nito dahil sa ipambibili na lamang ng pagkain ay mas nanaisin pang ibili ng lotto ticket dahil sa maaari daw itong manalo.

Mayroon din tayong mga hindi magagandang kaugalian patungkol dito. Tulad na lamang ang paghingi ng balato ng bawat kamag-anak at kaibigan ng taong nanalo sa lotto.

Hindi rin maganda na naisasapubliko ang mukha ng mga taong tumama sa lotto dahil nagiging dahilan ito upang sila ay mapahamak lalo na at maraming mga masasamang loob ang nais na makuha ang perang kanilang napanalunan. Naging napakagandang ideya ng ginawang ito ng isang taong nanalo ng lotto sa Jamaica. Itinago siya sa pangalang “A. Campbell”.

Ang kaniyang napanalunang pera ay nagkakahalaga lang naman ng tumataginting na 158.4 million Jamaican dollars. Halos nasa mahigit Php60, 935, 462 din ito katumba ng ating pera dito sa Pilipinas.

Dahil sa gusto niyang itago ang kaniyang pagkakakilanlan at hindi niya nais na pagkaguluhan siya ng mga taong nakakakilala sa kaniya ay napagdesisyunan niyang magsuot ng maskara na hanga sa horror movie na “Scream”. Hindi rin niya kaagad na kinuha ang kaniyang premyo at naghintay pa siya ng 54 na araw.

Bumilib naman ang maraming mga netizens dahil sa naisip niyang ito. Talaga nga namang hindi siya makikila ng kaniyang kamag-anak at kaibigan dahil sa talagang nakatago ang kaniyang mukha at wala ring makikita na kahit anong marka sa kaniyang katawan dahil sa mahaba rin ang kaniyang mga damit at nakasuot din siya ng gloves sa kaniyang mga kamay.

Tunay nga na napakaswerte niyang nilalang dahil sa milyong napanalunan niya. Nasa sa kaniya na lamang ito kung itutulong ba niya ito sa ibang tao o di kaya naman ay ilalaan para sa kaniyang pangarap at para sa kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media