Connect with us

Viral

Isang lalaki ang lumuhod sa kaniyang ama bilang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa naging pagtataguyod nito para sa kaniyang pag-aaral!

Published

on

Hindi madali maging isang magulang lalo na sa panahon natin ngayon. Napakaraming mga mapanghusgang mata, mga taong walang ibang nais gawin sa kanilang mga buhay kundi ang punahin ang kanilang kapwa.

Iba na rin ang paraan ng pagdidisiplina sa mga bata ngayon at maging ang paraan ng kanilang paglilibang o paglalaro ay talagang ibang-iba na rin kumpara dati. Ngunit ang hindi kailan man magbabago ay ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Kahit gaano kahirap magtaguyod ngayon ng pamilya at magpaaral ng mga anak hanggang kolehiyo ay hindi ito inaalintana ng mga magulang. Ang tanging nais lamang nila ay mapabuti ang kanilang mga anak bago sila magretiro o tuluyang lumisan sa mundong ibabaw.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagbibigay-pugay ng 19 na anyos na si Mohamad Risky Saputra sa kaniyang ama. Siya ay nakatira sa Palu, Central Sulawesi, Indonesia. Mula siya sa mahirap na pamilya ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi siya suportahan ng kaniyang ama sa kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Ito ang dahilan kung kaya hindi na niya napigilan pang lumuhod sa harapan ng kaniyang ama upang ipakita ang kaniyang labis na pasasalamat. Sa ngayon kasi ay isa nang trainee sa Police Training Centre ang binata.

Ang kaniyang ama ay nagtitinda lamang ng “street foods” sa kanilang lugar araw-araw. Ito ang nagiging pantawid ng buong pamilya sa mahabang panahon. Hindi naging hadlang ang kahirapan upang hindi ipagpatuloy ni Risky ang kaniyang pag-aaral.

Basta’t mayroong sipag at determinasyon sa buhay ay magiging posible ang pagtatagumpay niyang ito. Kung kaya naman para sa mga taong mayroon ding pangarap sa buhay, hindi na dapat pang magdalawang-isip dahil sa kung talagang buo ang inyong loob at dadagdagan pa ninyo ng pambihirang determinasyon ay walang dudang makakamit din ninyo ang inyong mga pangarap sa buhay.

Hindi lamang ito para sa sarili ninyong pangarap kundi para na rin sa inyong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media