Connect with us

Viral

Hindi lubos akalain ng isang Pina y na ito na isa palang hari ang kaniyang tunay na ama!

Published

on

Madalas nating mabasa o mapanuod ang pagiging isang prinsesa, ang pagkakaroon ng pagkakataong makakilala ng isang prinsipe, hari at reyna at marami pang mga kakaibang bagay. Talaga namang napakasaya natin, lalo na ng mga batang babae sa tuwing makakapanuod sila o makapagbabasa ng ganitong mga kwento.

Photo credit: Humans of New York

Halos lahat na nga yata ng mga kabataang babae ay nangarap maging isang prinsesa. Sa Facebook page ng “Humans of New York” ay ibinahagi ng isang Pilipina ang tungkol sa pagkakaroon niya ng isang ama na totoo palang hari!

Photo credit: Humans of New York

Naalala niya ang isang pangyayari noong kabataan niya na kailangan nilang isama sa kanilang eskwelahan ang kanila ama ngunit ng mga panahon na iyon ay hindi pa rin ipinapakilala sa kaniya ng kaniyang ina kung sino nga ba talaga ang kaniyang tunay na ama. Ang sagot lamang ng kaniyang ina ay abala ang kaniyang ama na nakatira sa Malaysia at isa itong hari.

Photo credit: Humans of New York

Dahil bata, labis niya itong ikinatuwa dahil sa nangangahulugan lamang ito na isa siyang prinsesa. Labing-apat na taong gulang siya noon nang makatanggap sila ng isang tawag mula sa isang lalaki na nagsasabing kailangan nilang magpunta ng London upang makilala niya ang kaniyang tunay na ama.

Photo credit: Humans of New York

Ang kaniyang ama ay walang iba kundi si Sultan of Pahang o “The King and the Hereditary Constitutional Head of Pahang Malaysia”. Single mother ang kaniyang ina ngunit hindi ito kailan man naghabol sa kayamanang mayroon ang kaniyang ama.

Ninais lamang ng kaniyang ina ang sustentong pinansyal para sa kaniya. Nais din sana ng kaniyang ina ng “paternity in writing” ngunit hindi na ito napahintulutan pa.

Photo credit: Humans of New York

Dalawang beses lamang niyang nakita at nakasama ang kaniyang ama sa loob ng isang oras. Prinsesa man siyang maituturing ngunit hindi niya kailan man naranasan ang maging bahagi ng pamilya ng kaniyang ama. Tanging ang kaniyang ina lamang ang naging kasama niya sa lahat ng bagay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media