Connect with us

Viral

Isang lalaking nakapagpundar ng sarili niyang bahay at lupa para sa kaniyang tatlong anak, nais ding makahanap ng kaniyang “ilaw ng tahanan”!

Published

on

Hindi biro ang maging isang magulang ngunit mas doble ang hirap nito lalo na kung ikaw ay mag-isa lamang o isang “solo parent”. Lahat kasi ng sakripisyo ay papasanin mo ng mag-isa.

Photo credit: Don Dizon and kids (@salam.bo.71)

Mapalad ka na kung mayroon kang mga kapamilyang handang umagapay sa iyo. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Don Dizon.

Kumalat kasi ng husto ang kaniyang post tungkol sa pagkakapundar niya ng kanilang bahay. Kasama ang kaniyang tatllong mga anak ay masaya na silang maninirahan sa bagong bahay nila na talagang pinaghirapan niya ng husto.

Sa kabila ng tagumpay na kaniyang nakamit ay tila mayroon pa ring kulang sa kaniyang buhay. Pabiro niya kasing ibinahagi sa kaniyang post ang pagnanais niyang makahanap din siya ng “ilaw ng tahanan” upang maging maliwanag na raw ang kanilang bahay at ang kaniyang buhay.

Photo credit: Don Dizon and kids (@salam.bo.71)

“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own.’ Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,” Pahayag ni Don.

“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises go to God because he is the greatest!” Dagdag pa niya.

Ayon sa nakakatuwang post ni Don ay nangangailangan diumano siya ng aplikante at ang posisyon ay “ilaw ng tahanan”. Ang pasimulang bayad raw ay Php15,000 Magkakaroon din ng mga benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth, at Life Insurance.

Photo credit: Don Dizon and kids (@salam.bo.71)

Hindi rin nakalimutan ni Don ang karagdagang Php5,000 na pang-Online shopping diumano ng mapipiling aplikante na nakadepende kung palaging magiging malinis ang kanilang bahay. Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pagta-Tag sa mga kakilala nilang single pa rin hanggang ngayon.

Malay natin, baka makita na ni Don ang kaniyang hinahanap sa pamamagitan nito, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media