Connect with us

Viral

Dalawang delivery riders, hindi nangiming tulungan ang padyak drayber na ito paakyat sa isang matarik na daan!

Published

on

Marami nang nangyayari sa ating kapaligiran ngayon. Hindi lamang pandemya ang kinahaharap ng buong mundo kundi maging digmaan, labis na kahirapan at global warming.

Nakakalungkot mang isipin ngunit talagang palala na ng palala ang ganitong sitwasyon. Buti na lamang at sa kabila ng mga ganitong pangyayari ay nagagawa pa rin nating maging positibo sa buhay.

Marami pa ring mga Pilipino ang hindi nagsasawang tumulong sa kanilang kapwa. Tulad na lamang ng dalawang delivery rider na ito na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang padyak o trisikad drayber na umakyat sa isang matarik na daan.

Ayon sa naging post ng Facebook page na “Pinas TODAY” ay talagang mamangha ka sa ginawa ng dalawang lalaki na mapapansin sa video na mga delivery riders. Nagbahagi ng video ang netizen na si Alvin Gumobao mula sa Cagayan de Oro City na siyang unang tumulong sa padyak drayber.

Tinulungan diumano niya ang drayber na makaakyat sa matarik na daan sa Mastersons Avenue at nang makita siya ng mga delivery riders na ito ay hindi na rin sila nagdalawang-isip na tulungan ang matandang lalaki. Dahil sa nagkaroon ng pagkakataon si Alvin na makuhanan ang video nang naging pagtulong ng mga ito sa drayber ay agad niya itong vinideohan.

Tunay nga na hindi pa rin talaga nawawala ang pagkakaroon ng “Bayanihan Spirit” pagdating sa mga Pilipino. Palaging gagawa ng paraan upang makatulong sa ibang tao.

Maaaring mahirap lamang ang karamihan sa atin at wala tayong maraming materyal na bagay na tinatangkilik ngunit hindi ito naging hadlang kailan man upang hindi natin magawa ang maraming mga mabubuting bagay para sa ating kapwa Pilipino. Kahit nga mga OFW (Overseas Filipino Worker) ay nagpapatunay na hindi na maiaalis pa sa ating mga Pilipino ang pagtulong sa ating mga kababayan lalo na sa oras ng pangangailangan.

Kung kaya naman mas lalo pang naging inspirasyon ang mga ganitong bagay para sa maraming mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media