Connect with us

Viral

Larawan ng isang babae na nakapaskil sa poste umani ng maraming nakakatuwang komento mula sa publiko!

Published

on

Napakarami nang naging pagbabago sa ating pamumuhay buhat nang maging laganap ang modernong mga kagamitan at modernong teknolohiya. Maraming mga Pilipino ang nagsasabing mas naging madali ang kanilang buhay kumpara noon.

Sa simpleng “click” at pag-operate lang kasi ng ilang mga kagamitan ay hindi mo na kakailanganin pang mag-aksaya ng iyong lakas at oras. Kung noon ay sa ilang mga nakapaskil na anunsyo lamang tayo umaasa o di kaya naman ay sa mga programa sa radyo o telebisyon.

Mahalaga ang mga balita o anunsyong ito noon dahil sa wala pa talagang social media at mga modernong gadgets kung saan mas madali na nating malaman ang maraming mga balita sa buong mundo sa loob lamang ng maikling panahon. Dahil sa modernisasyon ay kakaunti na lamang ang mga taong nagkakainteres na magbasa ng balita o anunsyo sa mga diyaryo o di kaya naman ay sa mga nakapaskil sa poste.


Ngunit nakakatuwang malaman na mayroon pa rin palang ilang mga Pilipino ang nagbibigay atensyon sa mga nakapaskil na anunsyong ito. Ibinahagi ng Facebook page na “Leidz” ang larawan ang isang babae na nakapaskil sa isang poste. Nakalagay din sa itaas na bahagi nito ang mga katagang “ATTENTION” kung kaya naman talagang mapapatingin ka kung siya ba ay “Wanted” o di kaya naman ay “Missing”.

Ngunit sa bandang ibabang bahagi ng larawan ay makikita ang mga katagang “Thank you for your attention.” Tila ba humingi lang talaga siya ng atensyon sa mga taong dumaraan sa lugar.

Hindi na nga napigilan ng maraming mga netizens ang magpahayag ang kanilang komento patungkol sa paskil na ito. Marami ang labis na natawa habang ang iba naman ay mayroong bahagyang pagkainis dahil sa nasayang daw ang ilang segundo ng kanilang buhay nang mabasa ang nakasulat sa paskil na ito.

Tunay nga na sa kabila ng maraming mga pagsubok na nararanasan natin sa araw-araw, napakarami pa ring dahilang upang tayo ay maging masaya kahit sa mga simpleng bagay lamang na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media