Connect with us

Viral

Isang housewife, ibinahagi ang naging diskarte niya kung paano siya nakakapag-ipon ng Php5,000 kada buwan kahit ang mister lamang niya ang mayroong trabaho!

Published

on

Malaking hamon para sa maraming mga nanay lalo na ngayong panahon ng pandemya ang mag-budget ng pera. Napakamahal na kasi ng mga bilihin at wala rin namang dagdag sahod para sa karamihan ng mga manggagawa.

Image is for illustration purpose only

Ngunit hindi ito naging problema para sa isang 33-anyos na misis na nagbahagi ng kaniyang naging diskarte sa Smart Parenting Village Facebook group. Ayon sa kaniya ay siya lamang ang naiiwan sa tatlong mga anak nila sa bahay dahil sa madalas na pumapasok sa trabaho ang kaniyang mister.

“Butcher” ang trabaho ng kaniyang mister at paminsan-minsan ay rumaraket din ito upang kumita ng karagdagan para sa kaniyang pamilya. Tulad ng isang tipikal na nanay ay nag-budget din talaga siya ng mabuti kung saan ang tatlong libong piso sa kita ng kaniyang asawa ay napupunta sa renta nila sa bahay, Php1,500 naman ang sa kuryente, Php400 sa tubig at Php300 para sa kanilang Wi-Fi.

Image is for illustration purpose only

Breastfed ang kaniyang bunsong anak kung kaya naman hindi na nila kailangan pang bumili ng gatas. Diaper at pagkain na lamang ang kailangan nilang paglaanan ng budget sa araw-araw.
Noong una ay hindi rin niya lubos akalain na kaya pala nilang makapag-ipon. Isang araw ay napanuod niya ang video ng wealth coach at motivational speaker na si Chinkee Tan kung saan nagbahagi ito ng isang “Invisible Php50 Challenge”.

Dahil dito ay sinubukan niyang huwag nang gastusin ang bawat Php50 na mahahawakan niya. humigit-kumulong Php5,000 na kaagad ang kaniyang naipon dahil dito.

21 taong gulang pa lamang sila nang magsimula sila ng kanilang pamilyang mag-asawa kung kaya naman hindi naging madali ang buhay para sa kanila. Ngunit sa ngayon ay masasabi na niyang kahit papaano ay hindi na rin sila masyadong hirap sa buhay.

Image is for illustration purpose only

Tunay nga na kahit gaano kahirap at ka-imposible ng isang bagay, kung pagsusumikapan mo talaga ng husto ay maaari mo din itong maisakatuparan. Kakailanganin mo lang talaga ng inspirasyon, determinasyon at ng matinding disiplina upang maisakatuparan mo ang iyong plano na makapag-ipon para sa iyong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media