Connect with us

Viral

Magkasintahan na hikers ikinasal sa gitna ng pandemya, sa kanilang naging kasal ay gumastos lamang sila ng Php4,000!

Published

on

Ang kasal ang isa sa pinakaimportanteng bagay para sa dalawang taong nagmamahalan. Kung kaya naman palaging pinaghahandaan ito ng husto. Marami din ang gumagastos ng husto para rito.

Photo credit: Gwen Strong Facebook

Kahit napakaliit na mga detalye na lamang ay talagang paglalaan pa ng malaking halaga ng salapi. Ngunit para sa magkasintahang hikers na ito, mas mahalaga para sa kanila ang mairaos ang kanilang kasal nang simple lamang.

Photo credit: Gwen Strong Facebook

Ibinahagi ng netizen na si Gwen Strong sa publiko kung paano nga ba sila nakatipid at gumastos lamang ng halagang Php4,000 para sa kanilang pag-iisang dibdib. Ayon kay Gwen ay anim na taon na rin silang nagsasama ng kaniyang nobyo kung kaya naman ninais na rin nilang maging legal ang kanilang pagsasama.

Photo credit: Gwen Strong Facebook

Hindi naging hadlang ang pandemyang nararanasan natin sa ngayon upang hindi nila ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib. Sinong mag-aakalang nasa halagang Php4,000 lamang ang kanilang naging kabuuang gastos.

Ang wedding ring na ginamit nila ay ang kanilang “promise ring” na rin ng mga panahong iyon. Hindi na bumili pa ang wedding gown si Gwen at naghanap na lamang ng maaari niyang isuot para sa araw ng kanilang kasal.

Photo credit: Gwen Strong Facebook

Gayundin naman ang isinuot na damit ng kaniyang mister. Ang wedding reception nila ay ang simpleng salo-salo na inihanda anila sa mismong bahay na rin nila.

Malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang kanilang inimbita. Sa ngayon ay masayang masaya na sila dahil sa wakas ay mayroon nang basbas ang kanilang pagsasama.

Photo credit: Gwen Strong Facebook

Ibinahagi rin nila ang ilang mga larawang kuha habang sila ay umaakyat ng bundok. Dito na nagsuot ng wedding gown si Gwen at nagsilbi na rin itong “prenup shoot” ng dalawa.

Maaari naman pala tayong magpakasal ng hindi na gumagastos pa ng malaki o mangutang sa ibang tao magawa lamang ang marangyang kasalan na ninanais natin. Mas nararapat na tuluran ang mag-asawang ito dahil sa mas gusto nilang maging simple at pratikal lalo na sa panahon natin ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media