Connect with us

Viral

Isang palaboy ang nakatanggap ng matutuluyang bahay at magandang trabaho matapos niyang isauli ang nahulog na wallet ng isang mayamang negosyante!

Published

on

Minsan, marahil ay napapaisip tayo na sana ay katulad na lamang tayo ng mga taong naninirahan sa lansangan na walang pinoproblema, walang maraming binabayaran at pinagkakagastusan. Madalas nga marami pa ang tumatawa na lang ng mag-isa at maging ang kanilang damit ay hindi na rin nila pinapansin kung maayos pa ba o hindi na.

Hindi natin maiiwasang ang mga ganitong kaisipan lalo na ngayong panahon ng pandemya na talaga namang lahat ng mga problema ay nagpapatong-patong na. Ngunit kahit gaano man kahirap ang buhay para sa taong ito ay hindi pa rin niya pinag-interesan ang pitaka na kaniyang napulot na pagmamay-ari pala ng mayamang negosyante na si Nitty Pongkriangyos.


Nakatanggap siya ng tawag mula sa otoridad na hawak diumano nila ang kaniyang pitaka na mayroong laman na THB 20,000 o halos Php30,000. Para sa lalaking ito na si Waralop, mas minabuti niyang dalhin sa otoridad ang naturang pitaka kaysa itakbo ang laman nito.

Hindi naman mapaniwala si Nitty na kahit walang wala talaga si Waralop at kahit sa lansangan lamang siya natutulog ay nagawa pa rin niya ang nararapat. Dahil dito ay binigyang gantimpala ni Nitty ang matapat na si Waralop.

Hindi lamang niya ito binigyan ng libreng pagkain at pera kundi maging ng maayos na matutuluyan. Hindi lamang apartment para sa kaniyang mga empleyado ang ibinigay ni Nitty sa kaniya dahil binigyan din siya nito ng trabaho sa kanilang factory.

Maging ang misis ni Nitty ay ipinamili pa si Waralop ng ilang mga bagong gamit at damit para sa kaniyang bagong buhay. Sinong mag-aakala na isang taon nang palaboy-laboy sa kalsada si Waralop at sa Huay Kwang MRT Station lamang siya nagpapalipas ng magdamag?

Sa ngayon ay nasa mas maayos na siyang kalagayan kumpara dati. Tunay nga na palaging magkakaroon ng napakagandang gantimpala para sa mga taong tapat at may mabuting puso.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media