Connect with us

Viral

Eula Valdez, pinamangha ang publiko sa pagmamaneho niya ng kaniyang big bike sa gitna ng highway!

Published

on

Si Julia Amorsolo Valdez o mas nakilala ng publiko bilang si Eula Valdez ay 52 taong gulang na aktres na una nang hinangaan dahil sa pambihira niyang pagganap sa “Pangako Sa ‘Yo” bilang si Amor Powers. Gumanap din siya bilang si Janice sa film series na “Bagets”.

Isa siyang primyadong aktres na hindi lamang mahusay ang larangan ng pag-arte ngunit pati na rin sa kaseksihan ay hindi ito magpapahuli. Sa kaniyang edad ay talagang nagagawa pa rin niyang mapanatili ang balingkinitan niyang pangangatawan.

Napakakinis din ng kaniyang kutis at talagang mapapansin na alagang-alaga pa rinniya ang kaniyang sarili. Sa kabila ng pagiging abala niya sa kaniyang trabaho ay nagagawa pa rin niya ang mga bagay na talagang hilig niya.

Isa na rito ang pagsakay niya sa kaniyang big bike. Nito lamang Mayo 11 ay ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account ang magara niyang big bike na isang “expressway-legal Honda CB650R na mat 649cc engine na kayang kayang magpatakbo ng 200kph.

Walang takot at walang kaarte-arte niya itong minaneho sa isang malawak na highway kung saan mapapansin rin ang maraming mga sasakyan. Talaga namang napamangha niya ng husto ang maraming mga netizens dahil dito.

Gayundin naman ay nagbigay-pugay din ang aktres sa mga delivery riders ngayong panahon ng pandemya dahil sa nagagawa nilang tiisin ang matinding init at hirap ng pagmamaneho ng ilang oras sa gitna ng kalsada. Hindi nila alintana ang panganib ng posibleng aksidente o di kaya naman ay ang panganib ng COVID-19 lalo na at araw-araw silang nasa labas ng kanilang mga tahanan at nakikisalamuha sa maraming tao.

Dahil sa matinding sikat ng araw ay hindi rin imposible ang ilang mga insidente ng heat stroke sa daan kung kaya naman nagbilin din si Eula Valdez na umiinom ng tubig. Nagbiro din ang batikang aktres na ng araw na iyon ay talagang napagod siya ng husto kung kaya naman naghihilik pa siya habang tulog.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media