Connect with us

Viral

Badjao Girl Rita Gaviola, nagdiwang ng kaniyang ika-18 kaarawan kasama ang kaniyang pamilya!

Published

on

Ang pagdiriwang ng ika-18 taong kaarawan ang isa sa pinakamahalagang selebrasyon sa buhay ng isang babae. Kahit simpleng pagdiriwang lamang Ay talagang pinaghahandaan ito ng buong pamilya dahil sa ito na ang panahon kung kailan hindi na maituturing pang bata ang isang indibidwal.


Sa edad kasing 18 taong gulang ay maaari nang magawa ang mga bagay na kadalasan ay mga matatanda lamang ang nakakagawa o iyong mga indibidwal na nasa wastong gulang na. Dahil nakaugalian na ng maraming mga Pilipino ang pagdiriwang na ito ay hindi na ito nawala hanggang sa ngayon.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-18 taong kaarawan niya si Rita Gaviola. Maaalala na noong taong 2016 ay nadiskubre siya ng isang photographer habang namamalimos sa Pahiyas Festival.


Mula noon ay mas marami nang mga taong nagnais tumulong sa kaniya. Nabigyan din siya ng pagkakataong pumasok sa showbiz kung saan siya nagkaroon ng ilang mga proyekto.

Nito lamang ika-13 ng Mayo ay nagdiwang siya ng kaniyang ika-18 taong kaarawan. Napakaganda ng kinalabasan ng pagdiriwang na ito kasala ang kaniyang mga mahal sa buhay.


Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang gown gayundin naman ang simple niyang make-up. Sinong mag-aakala na ang dating namamalimos noon ay isa nang mahusay na modelo at aktres ngayon?
Bakas sa kaniyang mga mata ang labis na kaligayahan dahil sa wakas ay natutulungan na niya ng husto ang kaniyang pamilya. Unti-unti na rin niyang natutupad ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang ganap na guro.

Nais niya kasing turuan ang mga kapwa Badjao niya upang hindi na sila kailanman kutyain pa ng publiko dahil lamang sa hindi sila nakapag-aral. Patunay lamang ito na mayroong busilak na puso si Rita dahil hindi lamang pamilya niya ang nais niyang matulungan kundi mas marami pang mga Badjao.

Tiyak na magsisilbi din siyang inspirasyon sa mas maraming mga Pilipino. Hindi hadlang kailanman ang kahirapan upang hindi natin makamit ang mga pangarap natin sa buhay.

Lalo na kung ang iyong mga pangarap ay sasamahan mo pa ng sipag, tiyaga, at panalangin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media