Connect with us

Viral

Isang artist gumamit ng acrylic painting sa mga tipak ng kahoy para sa kaniyang nakakamanghang obra!

Published

on

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging talentado, malikhain at higit sa lahat ay maparaan. Hindi na nakapagtataka na maraming mga Pilipino ang talagang nagiging matagumpay sa buhay dahil sa mga katangiang ito.

Photo credit: Sheila Paren / Facebook

Isa na marahil sa mga hinahangaan ng publiko ngayon ay ang isang artist na nakilala saa pangalan na Sheila Paren. Sa kaniya kasing Facebook post ay ibinahagi niya kung paano siya nakalikha ng mga magagandang “obra maestra” sa pamamagitan lamang ng ilang mga tipak ng kahoy.

Wala kasi siyang canvass ng mga panahon na iyon kung kaya naman naisipan niyang gamitin kung anong bagay ang madali niyang makukuha sa kanilang lugar. Marami ang nakapansin sa kaniyang post kung kaya naman agad agad itong kumalat sa social media.

Hinangaan siya ng maraming mga netizens dahil sa nakagawa siya ng napakagandang mga “painting” kahit pa nga talagang mahirap ang pagpipinta gamit ang acrylic paint sa ilang tipak ng mga kahoy. Tunay nga na pinatunayan lamang ng artist na ito na maaari pa rin namang makalikha ng magagandang mga obra kung talagang nanaisin nilang makalikha nito gamit lamang ang mga materyales na mayroon sila.

Photo credit: Sheila Paren / Facebook

Maaari ding gawing dekorasyon ang kaniyang mga “acrylic paintings” kung kaya naman mas marami pang mga netizens ang nagkainteres dito. Hindi nga rin maipagkakailang may pambihirang talento siya sa pagpipinta at talagang inalam niya muna ang maraming bagay bago niya gawin ang mg a ito.

Bagamat posible naman talagang magpinta gamit ang acrylic paint sa canvass board, papel, kahoy, at metal o iba pang materyales, sinigurado talaga ni Sheila na hindi masasayang ang kaniyang mga likha. Sa paggamit kasi ng acrylic painting ay agad itong natutuyo kung kaya naman kailangang matapos ito agad sa maiksing panahon lamang.

Samantalang ang mga “oil painting” ay maaari mong matapos ng mas matagal at balik-balikan pa kung hindi mo ito matatapos ng isang araw.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media