Connect with us

Viral

Super Tekla, ipinasilip sa publiko ang kaniyang napakagandang dream house na bunga ng kaniyang pagsusumikap sa trabaho!

Published

on

Ang pag-aartista ang isa sa mga trabahong pangarap na pasukin ng maraming mga Pilipino. Ito ay dahil sa mas madaling kumita ng malaking pera ang mga artista sa kanilang mga ginagawang proyekto.

Ngunit hindi lahat ng mga artista ay tumatagal ng mahabang panahon sa industriya ng showbiz. Marami ang sumisikat lamang sa umpisa at kalaunan ay nawawalan din ng kinang nag kanilang mga bituin.

Kung kaya naman habang maaga pa ay talagang sinisikap nilang makapag-ipon at makapagpundar ng sarili nilang negosyo, o di kaya naman ay bahay at lupa. Isa na marahil sa naging pinakakontrobersiyal ngayon ang host at komedyante na si Super Tekla.

Siya ay si Romeo Librada sa tunay na buhay. Marami ang bumilib at talagang namangha sa natural niyang talento sa pagpapatawa. Ngunit naging isang napakalaking dagok sa kaniyang buhay ang pagpaparatang sa kaniya ng kaniyang live-in partner noon na si Michelle Lhor Bana-ag ng pang-aabus at pagpapabaya sa kanilang anak.


Lumabas din naman ang katotohanan na si Tekla ang nagbibigay ng malaking tulong at ginhawa sa buhay ni Michelle, ng kanilang anak, at ng mismong pamilya ni Michelle. Sa ngayon ay masayang masaya na si Tekla dahil maliban sa pagiging matagumpay ng kaniyang karera sa gitna ng pandemya ay nabigyan rin siya ng pagkakataon na makapagpundar ng pangarap niyang bahay sa isang eksklusibong subdibisyon.


Sa pagsisimula ng taong 2021 ay nakapagpundar na siya ng pangarap niyang bahay na walong bahay lang din ang layo sa bahay ng kaniyang kaibigang si Donita Nose. Maraming mga fans at supporters naman ni Tekla ang talagang natutuwa sa kaniyang bagong tagumpay.

Hindi biro ang kaniyang pinagdaanan ngunit patunay lamang ito na hanggang may buhay ay mayroon pa rin tayong pag-asa na bumangon muli. Kung kaya naman kahit gaano pa kahirap ang nararanasan natin sa ngayon, kung inaakala nating imposible nang makabangon pang muli, huwag nating kalilimutan na mas marami pa ring mga tao ang nagmamahal sa atin at naghihintay lamang sa muli nating pagbabalik.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media