Connect with us

Viral

Isang babaeng naharang sa checkpoint, natagpuan ang “the one” sa katauhan ng pulis na sumita sa kaniya!

Published

on

Maraming mga bagay ang hindi natin inaasahang mangyayari sa atin. Madalas ito ay misteryoso at nakakatakot ngunit minsan ay mayroon ding mga nakakakilig na kwento.

Sabi nila mayroon daw tayong iba’t-ibang kwento ng ating pag-iibigan. Maaaring masalimuot ang sa iilan ngunit marami din naman ang nagkaroon ng “happy ending”.

Hindi man tayo pare-pareho ng ating mga naging karanasan sa buhay pag-ibig natin ay marami naman sa atin ang minahal at nagmahal ng totoo. Isa na marahil sa mga may kakaibang kwento ng pag-ibig ay ang isang babaeng naharang sa isang checkpoint noon.

Siya ay walang iba kundi si Clarrise Lazaro. Sinong mag-aakala na magiging asawa niya pala ang pulis na mismong sumita sa kaniya? Ang pulis na naka-duty ng mga panahong iyon ay walang iba kundi si Moh Amir Cruz Saddaramil.

Sa “Oplan Sita” na kanilang inilunsad noon ay namataan niya ang nakamotorsiklong si Clarrise. Una pa lamang ay nabighani na siya sa angking kagandahan nito.

Kung kaya naman gumawa siya ng paraan upang magkakilala silang dalawa. Hinanap ng pulis ang pangalan ng guro sa social media at nang makita niya ang social media account nito ay hindi na siya nagdalawang-isip pang makipagkaibigan.

Kaagad din naman silang nagkapalagayan ng loob at makalipas lamang ang isang taon ay nauwi na rin sa kasalan ang kanilang relasyon. Maraming mga netizens ang kinilig sa kakaibang kwento ng kanilang pag-iibigan. Maging sila ay nagbahagi rin ng kanilang mga naging karanasan sa pag-ibig at sa kanilang buhay may-asawa.

Sino nga naman ang mag-aakala na maaari rin palang magkatuluyan ang isang pulis at ang babaeng naharang at nasita nito sa isang checkpoint. Talaga namang napakaraming bagay ang hindi natin lubos akalain na mangyayari sa tunay na buhay.

Tiyak na ikatutuwa rin ng magiging mga anak at apo nila ang kanilang “sweet and romantic lovestory” na nagsilbing inspirasyon sa marami sa atin.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media