Connect with us

Viral

22 taong gulang na babae, naging isang milyonarya dahil sa pagla-live selling sa gitna ng pandemya!

Avatar

Published

on

Marami ang nawalan ng pag-asa buhat ng magsimulang kumalat ang nakakahawang sakit na COVID-19 noong nakaraang taon. Hindi akalain ng marami sa atin na darating ang panahong ito na wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang mangyayari sa atin.

Image by Joyce Sibayan via Facebook

Napakaraming nawalan ng trabaho dahil na rin sa mga negosyong nalugi at tuluyang nagsara. Ngunit bilang isang Pilipino, tila natural na lamang sa atin ang mas maging matatag at positibo sa ano mang mahirap na hamon ng buhay.

Sinong mag-aakala na ang isang 22 taong gulang na dalagang ito ay magiging isang milyonarya dahil lamang sa kaniyang pagla-live online selling. Dahil sa pambihirang kasipagan at determinasyon ni Joyce Sibayan ay naging milyonarya na siya sa edad na 22 lamang.

Hindi pa siya makapaniwala noong una kahit pa mismong bangko na niya ang nagsabi sa kaniya nito. Ayon pa sa dalaga, sa ngayon ay masayang masaya siya dahil sa nagbunga na ang kaniyang mga paghihirap at pagtitiis.

Marami daw sa kaniyang mga kaibigan at kakilala noon ang madalas na bumibiyahe at nagbabakasyon sa magagandang lugar habang siya ay nag-iinvoice, nagpapack at nagla-live selling ng kaniyang mga paninda.

Image by Joyce Sibayan via Facebook

“Worth it lahat ng pagod at pagtitiis, habang yung iba nag a-outing, living their life ang mga ganap. Ako, andito nag-iinvoice, nagpa-pack at nag la-live selling. Lumalaban, para sa pangarap,” Pahayag ni Joyce.

Hindi naging madali para kay Joyce ang karanasan niyang ito. Naranasan niyang magsara ang kaniyang shop at talagang naramdaman niyang nais na niyang sumuko.

Ngunit naisipan niyang bumangon at huwag tumigil sa kabila ng hirap na kaniyang pinagdaraanan. Dumating din sa punto na nagtitinda na rin siya ng chili garlic oil, pre-loved clothes, at “cosmetics”.

Dahil sa pagsusumikap niyang ito ay nakamtan na niya ang isa sa kaniyang mga pangarap na talaga namang deserve niya dahil sa pambihira niyang kasipagan.

“Kaya sa mga katulad ko na, laging nasasabihan na walang mararating sa buhay at sa mga laging least chosen sa klase wag kayo panghihinaan ng loob!! Wala sa talino yan, nasa DISKARTE yan! Believe me, that’s the real deal in life,” payo pa ni Joyce.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media