Connect with us

Viral

Ranz Kyle at Niana Guerrero, naghanda ng isang sopresa para sa kanilang driver na 10 taon nang nagtatrabaho sa kanila!

Avatar

Published

on

Para sa isang malaki at may kayang pamilya, hindi na bago ang pagkakaroon ng mga “helper” o di kaya naman ay “driver”. Dahil sa madalas na malalaki ang kanilang mga bahay at masyado silang abala sa kanilang mga trabaho kung kaya naman kinakailangan nilang humanap ng mga taong makakatulong sa kanila.

Photo credit: Ranz Kyle Youtube

Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang ginawang ito ng magkapatid na social media personality, dancer at modelo na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero. Sa latest vlog kasi nila ay sinorpresa nila ang kanilang driver na si Kuya Jun para sa kaarawan ito.

Photo credit: Ranz Kyle Youtube

Isang prank ang kanilang plinano para kay Kuya Jun, kunwaring nagalit ang kanilang daddy dahil sa nakita nito ang isang gasgas sa kanilang kotse na maaaring maging dahilan pang masira ang censor nito. Nang tanungin si Ranz Kyle ng kaniyang daddy kung siya ang dahilan nito, agad niyang sinabi na hindi siya ang may kasalanan.

Photo credit: Ranz Kyle Youtube

Kalaunan ay nagtungo na sa kaniyang kwarto si Kuya Jun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay inihahanda na ng buong pamilya ang sorpresa nila para sa kaniya. Maliban sa maraming mga pagkaing handa ay naroon rin ang misis ni Kuya Jun na talaga namang miss na miss na rin niya.

Dahil kasi sa pandemyang nararanasan natin hanggang sa ngayon ay hindi madalas na makauwi si Kuya Jun sa sarili niyang pamilya. Labis ang galak na naramdaman ni Kuya Jun ng makita ang kaniyang mahal na asawa.

Photo credit: Ranz Kyle Youtube

Sa gitna ng kanilang pagsasaya ay inabot na rin nila ang materyal na regalo nila para kay Kuya Jun, isang bago at mamahaling cellphone. Talagang masayang masaya siya sa naging sorpresa sa kaniyang ng pamilyang pinagsisilbihan niya ng higit sa 10 taon.

Si Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee o mas nakilala natin bilang si Ranz Kyle ay isang sikat na dancer at social media personality. Marami ang humahanga at bumilib sa kanilang mga dance cover ng kaniyang stepsister na si Niana Guerrero.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media