Connect with us

Viral

Isang wais na mommy, ibinahagi ang kaniyang naging paraan upang makatipid ng malaki sa halip na bumili ng mga disposable diapers!

Avatar

Published

on

Sa panahon natin ngayon, napakahirap nang magkaroon ng maraming mga anak. Maliban kasi sa napakahirap na ng ating buhay sa ngayon ay hindi rin matatawaran ang palaging pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Mula nang magkaroon ng pandemya sa ating bansa ay mas lalo pang lumaki ang kailangang bayaran ng mga babaeng manganganak sa ospital at klinika. Maliban pa rito ay hindi na rin biro ang gastusin sa pagpapalaki ng bata sa ngayon.

Ayon sa ilang mga eksperto, mas mainam talaga ang mag-breastfeed na lamang para sa mga ina dahil maliban sa pagiging sobrang masustansiya nito ay wala ka nang kailangan pang gastusin. Ganun din naman ay marami na ang bumibili ng mga cloth diapers kaysa bumili ng mga disposable diapers.

Kamakailan nga lamang ay nagbahagi rin ng sarili niyang karanasan ang isang mommy na ito kung paano siya nakapagtipid ng malaki sa paggamit lamang ng mga cloth diaper na ito. Ayon kay mommy Marian Mandace T. Jinahon, nagdadalang-tao pa lamang siya noon sa kaniyang panganay na anak nang madiskubre niya ang Facebook page na Cloth Diaper Advocates Philippines (CDAPH) kung saan naingganya siyang bumili ng mga pre-loved na cloth diapers para sa kaniyang anak.

Sinubukan din niyang gumamit ng disposable diapers noon ngunit nagulat siya sa dami ng basurang natatambak dahil dito. Kung kaya naman mula noon ay napagdesisyunan na niyang mag-invest at mag-ipon ng mga cloth diaper.

Sa ngayon ay mayroon na siyang 93 piraso nito, 115 na mga flats, at 15 boosters. Ngayong dalawang taong gulang na ang kaniyang panganay na anak ay nagagamit pa rin niya ang mga cloth diapers na ito gayundin ang kaniyang bunsong anak na 5 buwang gulang pa lamang.

Gumastos siya ng Php33,000 sa mga cloth diapers na kaniyang naipon na talagang napakalaking tipid kumpara sa Php145,000 na kabuuang gastos kung bumili sila ng mga disposable diapers sa loob ng tatlong taon. Halos nasa Php112,000 ang kanilang natipid dahil sa pagbili at paggamit niya ng mga cloth diapers na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media