Connect with us

Viral

Sample King Jhong Hilario, isa nang ganap na hands-on daddy sa anak nila ni Maia Azores!

Avatar

Published

on

Si Virgilio Viernes Hilario Jr. o mas hinangaan natin bilang si Jhong Hilario ay 44 taong gulang na aktor, host, pulitiko at dancer. Una na siyang nakilala bilang isa sa mahuhusay na miyembro ng “dance group” na “Streetboys”.

Sa ngayon ay nagsisilbi pa rin siya bilang isang konsehal sa Makati buhat pa noong taong 2016. Marami din ang nagalit at nainis sa kaniya nang gumanap siya bilang si Homer “Alakdan” Adlawan sa “FPJ’s: Ang Probinsyano”.

Malayo na ang narating ni Jhong mula sa pagiging isang mahusay na mananayaw noon ay nabigyan na rin siya ng ilang hosting projects tulad na lamang ng “It’s Showtime”. Kamakailan lamang isa na namang napakagandang biyaya ang kaniyang natanggap.

Isinilang na kasi ng kaniyang longtime girlfriend ang kanilang panganay na anak. Isang sanggol na babae ang ipinanganak ni Maia Azores at pinangalan nila itong Baby Sarina.

Proud na proud sina Jhong at Maia sa kanilang “bundle of joy” at madalas silang magbahagi ng ilang mga larawan niya online. Tulad na lamang ng ilang mga cute na larawan ng mag-ina habang natutulog na madalas pagmasdan ni Jhong.

Mayroon ding video na ibinahagi ang aktor kung saan makikitang ngumingiti habang natutulong ang kanilang anak. Hindi rin naman nagpahuli ang alaga nilang aso na todo-bantay rin sa kaniyang “baby sister” habang mahimbing itong natutulog.

Maaalala na taong 2014 nang unang ibahagi ni Jhong sa publiko ang relasyon nila ni Maia na mas bata sa kaniya ng 15 taon. Kahit marami ang bumabatikos at humuhusga noon sa kanila ay nanatili pa rin silang matatag at mas lalo pang lumalim ang pag-ibig nila sa isa’t-isa.

Sa ngayon nga ay mayroon nang mas magpapatatag at mas magpapalapit sa kanilang dalawa. Ang kanilang anak na si baby Sarina na talaga namang napaka-cute at tiyak na magiging isang mahusay rin na mananayaw sa kaniyang paglaki tulad ng kaniyang daddy Jhong.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media