Connect with us

Viral

Purple-themed na bahay ng isang netizen sa inuupahan niyang bahay, kinaaliwan at kinagiliwan ng marami!

Published

on

Dahil sa pandemyang nararanasan pa rin natin ngayon sa buong bansa ay maraming natuklasan ang maraming mga Pilipino. Hindi pinapayagan ang paglabas at pagkakaroon ng maramihang pagtitipon upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Marami sa atin ang hindi sanay na nasa bahay lamang buong maghapon at walang ginagawang kapaki-pakinabang para sa kaniya. Dito na pumapasok ang pag-aayos at pagkukumpuni ng bahay.

Ngunit hindi tulad ng ibang simpleng pag-aayos ng bahay ay talagang “next level” ang ginawa ng netizen na ito. Siya ay walang iba kundi si Jeyjey Linaac.

Ibinahagi niya sa Facebook Page na “Home Buddies” ang ilang mga larawan ng kanilang inuupahang bahay na talagang namumutiktik sa kulay “purple”. Magmula sa pintura ng buong bahay, sa pintuan, lamesa, sofa, kama, tsinelas, mga appliances at gamit sa kusina ay talagang kulay purple.

Nagpasalat din naman si Jeyjey dahil sa pinayagan sila ng kanilang kasera na magdisenyo ng ganito sa kanilang bahay. Marami ang namangha sa bahay niyang ito at marami din naman talaga ang hindi na napigilan pang magkomento patungkol sa kaniyang “purple-themed” house.

Narito ang ilan sa mga naging komento at reaksyon ng publiko:

“Grabe, ayaw naman niya sa purple! Hahaha. Pero it’s very nice,” wika ng isang netizen.

“Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko naman kukulayan nang ganyan ang buong bahay ko, lalo na sa kaso ko na dilaw and orange ang favorite colors ko. Anyway, pinayagan naman daw siya ng landlady so let them be happy na lang. Congratulations!” Pahayag naman ng isa pa.

“Hindi po ba kayo naduduling sa shade ng purple ninyo? Suggestion lang, you might want to add neutral colors para hindi sobrang powerful ng purple. Anyway, bahay ninyo ‘yan. Congrats po!” turan naman ng isa.

Tunay nga na nakakagaan rin ng pakiramdam kung araw-araw mong makikita ang paborito mong bagay. Lalo na kung pagmulat mo pa lamang sa umaga ay ito na kaagad ang iyong masisilayan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media