Connect with us

Viral

Mga nakasanayan nating meryenda noon, magugustuhan pa rin kaya ng mga kabataan ngayon?

Published

on

Napakasarap ng mga pagkaing Pinoy. Sa katunayan ay isa nga ito sa pinakakinasasabikan ng maraming mag Overseas Filipino Workers (OFWs) sa tuwing sila ay magtatrabaho sa ibang bansa. Madalas nga ay nagbabaon pa sila ng ilang mga pagkain na dito lamang matatagpuan sa Pilipinas.

Halimbawa na lamang ay itlog na pula o itlog na maalat, chicharon, mga sardinas, tamarind mix, ketchup, at marami pang iba. Kilala din naman tayo ng mga dayuhan sa masasarap nating mga pagkain na wala sa kanilang bansa tulad na lamang ng sisig, lechon, kare-kare, sinigang, kaldereta at marami pang iba.

Sino ba naman ang makakalimot sa ating mga “Christmas treats” tulad ng bibingka, puto bumbong, bitso-bitso, atbp. Sa ngayon ay marami nang mga popular na pagkain at inumin sa bansa tulad na lamang halimbawa ng “milk tea”, donut, pizza, corn dog, waffles at kung ano ano pa.

Ngunit bago pa man ang mga pagkaing ito ay una na nating natikman ang mga tradisyonal at popular na mga meryenda noon lalo na sa probinsiya. Ang ilan sa mga ito ay nilagang mais lagkitan at kamoteng kahoy, kamoteng ube, binatog, at inihaw na mais.

Talaga namang napakasarap ng mga ito ay napakasustansiya pa. Kumpara sa mga “fast food” na produktong binibili natin madalas para sa ating meryenda.

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagkain ng meryenda o snacks mula sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Sa Facebook page na “Pilipinas” ito unang nakita ng maraming mga netizens at mula roon ay unti unti na itong napansin ng maraming mga Pinoy.

Naging bahagi na rin kasi ng kanilang kabataan ang mga pagkain o meryendang ito na madalas nating kainin kasama ang ating mga magulang. Narito ang ilan sa mga naging komento ng publiko:

“Paborito na ngayon ng kabataan eh milk tea at mga pagkaing fast food! Pero wala pa ring tatalo sa mga meryenda noon na talaga namang simple lamang pero saksakan naman ng sustansya at sarap!” Komento ng isa.

“Mga anak ko lahat gusto pa ‘yan, lalo na yung kamoteng kahoy na nilagyan ng asukal. Pagkain man ng mga taong medyo hirap, proud ako sa ganiyang pagkain. Mahirap man kami pero pinakamasarap sa lahat ng merienda ay itong mga ito.” Pahayag pa ng isa.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media