Connect with us

Viral

Sirang tsinelas noong araw, naranasan mo rin bang lagyan ng pako, perdible o alambre para mas magamit pa ng matagal?

Published

on

Isa na marahil sa napakasarap balik-balikan sa ngayon ay ang mga masasayang karanasan natin noong tayo ay bata pa. Ang sarap lang alalahanin ng mga bagay na hanggang sa ngayon ay nakapagdadala pa rin ng ngiti sa ating mga labi.

Isa na marahil dito ang mga naging karanasan natin habang tayo ay naglalaro kasama ang ating mga kaibigan. Marami ang tiyak na nagkaroon na ng pudpod o sirang tsinelas.

Halos lahat kasi ng mga kabataan noon ay naglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan, sa kalye, o sa kabukiran. Hindi alintana ang init at alikabok basta’t makapaglaro lamang kasama ang mga kaibigan.

Ang isa sa nagiging problema ng mga batang ito ay ang pagkasira o pagkapudpod ng kanilang mga tsinelas kung kaya naman kaniya-kaniya sila ng diskarte kung paano maiiwasan ang palo ni Nanay. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Christian Vasquez sa publiko ang ilang mga larawan ng simpleng diskarte ng mga kabataang Pilipino upang mapatagal pa ang buhay ng naghihingalo na nilang mga pangyapak.

Isa na nga sa mga paraang ito ay ang paglalagay ng alambre, pako, o perdible sa mga tsinelas na ito. At talaga namang nagtatagal pa ang kanilang mga pangyapak ng ilang linggo o buwan.

Maraming mga Pilipino ang nakaka-relate dito lalo na ang mga batang 90’s na nakasanayan na ang ganitong simpleng diskarte sa buhay. Nakakabilib dahil sa simpleng pamamaraan lamang ay nakakagawa sila ng paraan para na rin sa kanilang ikabubuti.

Sa ganitong pamamaraan ay nagagawa rin nilang matulungan ang kanilang mga magulang na makaiwas sa gastusin. Hindi na rin naman napigilan pa ng ilang mga Pinoy na magbigay ng kanilang komento patungkol sa post na ito.

Ayon sa ilang mga netizens ay talagang hindi nila malilimutan ang yugto na ito ng kanilang buhay. Kahit na may edad na sila ngayon ay marami nang nagbago sa ating kapaligiran, masaya pa rin sila dahil sa naranasan nila ang mga bagay na ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media