Connect with us

Viral

Netizen, hindi naiwasang madismaya nang makitang “frozen spaghetti” pala ang lamang ng binili nilang ice cream sa isang supermarket!

Published

on

Maraming mga dayuhan ang madalas na nagugulat sa ilang mga kakaibang bagay na nakaugalian na nating mga Pilipino. Isa na sa mga ito ang paggamit ng mga basyong plastic o iyong mga lalagyan na ginagawa ring lalagyan ng iba pang mga bagay.

Tulad na lamang ng lumang lalagyan ng ice cream na madalas ay ginagawa na rin nating lalagyan ng mga ulam. Marami na sa atin ang nakaranas na makapagbukas ng ilan sa mga ito na ulam pala ang laman.

Ngunit para sa netizen na si Nikki Calalang, ang mismong biniling ice cream tub sa isang supermarket ay mayroong laman na “frozen spaghetti” sa halip na “ice cream”. Ayon sa naging post ni Nikki sa kaniyang social media account ay bumili ng ice cream ang kaniyang ina sa Walter Mart San Fernando ngunit laking gulat na lamang nila nang makitang “frozen spaghetti” pala ang lamang nito!


Bumalik naman sila kaagad sa naturang supermarket upang i-report ang insidente kalakip ng ilang mga larawang kuha nila bilang patunay na hindi talaga ice cream ang laman nito. Nang i-report na nila ito sa “customer service” ay nagulat din ng husto ang mga staff roon.

Dahil sa abala na naranasan nila ay inakala pa niyang bibigyan sila ng “complimentary ice cream” ng supermarket ngunit nagkamali siya. Sa halip ay nangako silang iimbestigahan ang nangyaring insidente at pinalitan na rin ang ice cream na mayroong laman na spaghetti.

Nais din daw ng supermarket na burahin ni Nikki ang kaniyang post sa social media na agad naman niyang tinanggihan.

“We went back, went straight to the Customer Service. Same old, they apologized and replaced the spaghetti with a real ice cream. It was okay. They told us that they’re going to investigate, see who put that there and all that. They asked me to take down the post, I said no. It’s not like we’re mad, it’s just really hilarious.”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media