Connect with us

Viral

Isang ginang na mayroon nang 44 na mga anak, pinagbawalan na ng doktor na magbuntis pang muli!

Published

on

Ang pagdadalang-tao o pagbubuntis ng mga kababaihan ay isang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Hindi lahat ay nabibiyaan ng anak o nagkakaroon ng pagkakataong mabuntis kung kaya naman para sa maraming mga kababaihan, nais nilang maging ligtas ang siyam na buwan nilang pagbubuntis.

Hindi biro ang pinagdaraanan ng mga kababaihan mula sa pagbubuntis, panganganak at pangangalaga sa kanilang bagong silang na sanggol. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang hindi pangkaraniwang kondisyon ng ginang na ito.

Si Mariam Nabatanzi ay pinagbawalan na ng doktor na magbuntis muli matapos niyang isilang ang kaniyang 44 na mga anak. Tulad ng iba pang mga kababaihan sa kanilang lugar ay maaga ring nag-asawa si Mariam.

Sa edad na 12 taong gulang ay ikinasal na siya sa 40 taong gulang na lalaki. Isang taon lamang ang lumipas at nagsilang na siya ng kanilang panganay na anak.

Hindi akalain ni Mariam na magkakaroon pa siya ng 43 na mga anak dahil sa kaniyang kondisyon. Hindi tulad ng ibang mga babae ay mayroon pala siyang malaking mga obaryo.

Ayon sa pag-aaral, ang isang tipikal na babae ay mayroong inilalabas na isang “egg” sa loob ng isang buwan. Ngunit sa sitwasyon ni Mariam ay kayang gumawa ng kaniyang katawan ng maraming mga itlog sa isang “cycle”.

Ito ang dahilan kung kaya napakabilis niyang magbuntis kumpara sa ibang mga kababaihan. Ang 36 taong gulang na si Mariam ay nagkaroon na ng anim na mga “twins”, apat na “triplets”, at limang “quadruplets”.

Anim sa kaniyang mga anak ang agad na nasawi kung kaya naman 38 na lamang ang kaniyang inalagaan. Dahil sa dami ng kaniyang mga anak, pinayuhan na ng doktor si Mariam na huwag nang magbuntis pa dahil sa maaari nang maapektuhan ang kaniyang kalusugan.

Hindi rin siya maaaring uminom ng “birth control pills” dahil makakasama rin sa kaniyang kalusugan ang pagbabago sa kaniyang hormones.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media