Connect with us

Viral

Mister nagsumikap nang husto sa tatlo niyang trabaho upang mabilhan ng laptop ang kaniyang misis na isang guro!

Avatar

Published

on

Umani ng maraming papuri at magagandang reaksyon online ang isang mister na ito matapos niyang bilhan ng laptop ang kaniyang asawa. Naging malaking hamon sa maraming mga bansa ang kinahaharap natin ngayon na pandemya ngunit hindi ito naging hadlang upang mawalan ng pag-asa ang mag-asawang ito.

Si Shahrul Amri Ibrahim at ang asawa niyang si Nurul Akma Abd Rashid, parehong 25 taong gulang ay ikinasal noong Nobyembre 2020. Hindi naging hadlang ang pandemya sa desisyon nilang pagpapakasal.

Ang kaniyang misis ay isang guro kung kaya naman batid niya ang hirap at pagsusumikap nito sa araw-araw. Nanghihiram lamang siya ng laptop sa kanilang paaralan upang matapos ang kaniyang mga trabaho dahil sa wala silang pambili nito.

Bagamat hindi kailan man nagreklamo ang kaniyang asawa ay batid niyang nahihirapan talaga ito sa kanilang sitwasyon ngunit talagang nagtitiis na lamang ito. Naisipan ng mister na bilhan ng laptop ang kaniyang asawa upang gumaan ang kaniyang trabaho kahit papaano.

Siya ay nagtatrabaho bilang isang “biomedical technician”, pinasok na rin niya ang pagiging isang “food delivery rider” at maging ang pagbebenta online mula Disyembre. Hindi malaki ang kaniyang kinita ngunit nakabili naman siya ng maayos na “secondhand laptop”.

Sa halagang RM900 ay nakabili na siya ng laptop para sa kaniyang mahal na asawa. Matapos niya itong mabili ay kaagad niyang itinago sa ilalim ng kanilang unan bago niya sunduin ang kaniyang asawa sa trabaho.

Agad namang napaluha ang kaniyang misis nang makita ang sorpresa ng kaniyang mister. Para kay Shahrul Amri Ibrahim hindi kailan man masusukat ng mga mamahaling bagay ang kanilang kaligayahan.

Ang mahalaga para sa kaniya ay ang naintindihan niya ang paghihirap ng kaniyang asawa at nais niyang gumaan ang paghihirap nito sa simpleng laptop na kaniyang pinag-ipunan para rito. Tunay nga na sa gitna ng mahirap na pagsubok na pinagdaraanan ng bawat isa sa atin ay marami pa ring mga tao ang nananatiling positibo sa buhay.

@shrlamri

Aku yang buat surprise aku yang sebak :’) #fyp#foryou#foryourpage

♬ 幻昼 (Cover Shirfine) – Shirfine

Hanggang kasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay ay nananatili silang positibo sa buhay ano man ang mangyari.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media