Connect with us

Viral

Anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Mary Divine Grace o si Princess, umani ng positibong komento mula sa publiko!

Avatar

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ngayon ang subaybayan ang mga sikat na personalidad sa industriya na kanilang iniidolo. Lalo na ngayon at maraming nang mga social media accounts at laganap na rin ang mabilis na internet connection sa maraming mga sambahayan.

Kamakailan lamang ay napukaw ng anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Mary Divine Grace ang atensyon ng publiko. Sa edad kasing 14 na taong gulang ay kapansin-pansin na ang pagiging “mature” nito at talagang lumaki siyang isang mabuting anak.

Princess kung tawagin siya ng kaniyang pamilya at madalas rin siyang nagbabahagi ng kaniyang mga larawan sa kaniyang Instagram o YouTube channel. Kung dati ay batang-bata pa siya, ngayon ay talagang dalaga na ang ikatlo sa limang anak ng mag-asawang Pacquiao.

Ang kaniyang mga kapatid ay sina Jimuel, Michael, Queenie at Israel. Sa kaniyang pinakabagong YouTube video ay ipinasilip niya ang napakalaking kwarto nila ng kaniyang nakababatang kapatid na si Queenie.
Sa kasalukuyan at mayroon nang higit sa 1.15 milyong subscribers ang dalaga. Maraming mga netizens ang nakapansin sa pagiging magalang at masayahin ng mga anak nina Manny at Jinkee.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami sa atin ang hirap na pinagdaanan noon ng mag-asawa bago pa man sila maging matagumpay sa ngayon. At dahil nga sa kanilang pagsusumikap at pagpapagal ay nagkaroon na sila ng maayos at komportableng buhay.

Sa kabila ng maraming mga bagay na mayroon sila ngayon at sa tagumpay na tinatamasa ng kanilang buong pamilya ay hindi pa rin nagbabago ang pamilya Pacquiao. Matulungin pa rin sila at mapagmahal pagdating sa maraming mga Pilipino.

Kung mas marami pang mga mayayamang pamilya ang magkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa, tiyak na mas maraming mga kapos-palad at mga mahihirap nating kababayan ang matutulungan nila at mababago ang buhay. Hindi lamang sila isang sikat at kilalang pamilya kundi isa ring inspirasyon para sa maraming mga Pilipino.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media