Connect with us

Viral

Ito na pala ang buhay ngayon ng napakagandang Mexican star na si Thalia ilang dekada matapos niyang gampanan ang popular na karakter na si MariMar!

Avatar

Published

on

Si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola ay minahal at hinangaan ng maraming Pilipino bilang si Thalia. Siya ay isang Mexican singer, businesswoman, at mahusay na aktres.

Photo credit: Thalia instagram

Bago pa man sumikat ang mga American drama at Korean novela sa bansa ay una na nating kinagiliwan ang panunuod ng mga Mexican drama. Si Thalia ay binansagan bilang “Queen of Telenovelas” dahil sa pambihira at nakakamangha niyang pagganap bilang MariMar, Maria La Del Barrio, Rosalinda, at Maria Mercedes.

Photo credit: Thalia instagram

Hindi maipagkakaila na madaling napamahal ang publiko sa mala-anghel niyang kagandahan samahan pa ng kaniyang pambihirang husay sa pag-arte. Makalipas ang halos 27 taon mula nang ipalabas ang kaniyang Mexican drama na MariMar ay marami pa rin sa kaniyang mga tagahanga ang nagnanais na masilayan siya at malaman kung ano na nga ba ang kaniyang buhay makalipas ang mahabang panahon.

Photo credit: Thalia instagram

Maalalang noong taong 2017 ay naging matagumpay ang kaniyang concert tour at album launch. Sa tatlong dekada niya sa Latin Pop Music ay binansagan na rin siyang “Queen of Latin Pop”.
Talaga namang malayo na ang kaniyang narating hanggang sa ngayon. Isa siya sa mga maituturing na “icons” ng maraming mga Pilipino.

Ayon sa ilang mga artikulo ay umabot na sa $60 milyon ang kaniyang net worth. Hindi lamang siya matagumpay sa larangan ng kaniyang karera dahil sa masaya at kuntento na rin siya bilang isang misis at ina sa kaniyang pamilya.

Photo credit: Thalia instagram

Ang kaniyang mister na si Tommy Mottola ay isang American music executive, producer at author. Nabiyayaan sila ng dalawang mga anak, sina Sabrina Sakaë Mottola Sodi at Matthew Alejandro Mottola Sodi.

Sa 21 taong pagsasama nina Thalia at Tommy ay talagang napatunayan nilang kaya nilang mapagtagumpayan ang kahit ano mang pagsubok sa buhay basta’t magkasama silang pamilya. Sa ngayon, marami pa ring mga tagahanga ni Thalia ang nagnanais na masilayan siya sa harapan ng kamera dahil sa talaga namang napakaganda pa rin niya sa edad na 49 taong gulang.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media